PLAYBOY DOCTOR 5

5.6K 116 4
                                    


Nagising si Elosah na masakit ang ulo niya. Dahan-dahan niya nilibot ang tingin. Madilim ang kwarto na kinalalagayan niya. At nanlaki ang mata niya na mapagtanto na hindi ito ang apartment na inuupahan niya, because this is a freaking condominium of a stranger. Napaupo siya sa malaking kama at tinignan ang sarili. Nakahinga siya ng makitang yun parin ang suot niyang damit, pero pinagtataka niya. Kung sino ang may ari ng condo na to. Napalingon siya sa sidetable ng kama. Nakita niyang my note doon at pagkain.

Eat me

-A.Muller

Basa niya sa sticky note. Siyempre dahil sa nagtitipid na rin siya. Kaya kinain na niya ang pagkain na nakalagay doon. Aba? mahirap magtipid. Saka di pa nga siya nakakabayad ng pang renta sa inuupahan niya. Tapos hindi rin siya natanggal sa trabaho sa karenderya, dahil ilang beses na siyang muntik makasunod ng kusina at nagbasag ng mga plato doon. Masisi mo ba siya eh!. Lumaki siyang mayaman, hindi sanay sa gawaing bahay.

Lumayas kasi siya kasama ang bff niyang si Bictorio. Mga ilang taon na rin magmula noon, napagkasunduan kasi nilang magpakalayo-layo sa pamilya, dahil sa arrange marriage nila. Parehas kasi nila ayaw matali sa isa't-isa. Bakla kasi si Bettie or Bictorio. Siya naman ayaw niya munang makasal saka ayaw niyang matali sa taong hindi niya mahal or viceversa.

Simula noon, hindi na sila nagpakita ni Bettie sa pamilya at nagkasundo sila na umaktong stranger sa isa't isa kapag nagkatagpo man ang landas nila. Miss na nga niya yung bff niya na yun. Kasi Bettie is her childhood friend. Kung hindi dahil sa arrange marriage ng mga tatay nila na parehas may katungkulan eh. Hanggang ngayon siguro ay magkasama parin sila nito.

Matapos kumain, dali-dali siyang umalis sa condo. Buti na lang mabait ang tumulong sa kaniya. Dahil umuwi parin siyang virgin kahit sa bar siya ng galing. Bakit nga ba siya nag bar? ito ang sagot dahil natuntun na siya ng tauhan ng ama niya. Kaya ngayon ang plano niya ay maghanap ng bagong titirhan. Sakto naman napadako ang tingin niya sa pader na nakapaskil.

Muller University

Offer to all students that have a financial problem. If you want to be our new scholar. Come and go to our school for inquiry . Ofcourse, Have an interview and answer the test . This is a limited edition. If you pass the interview and examination. The dormitory and tuition fee are free. So if I were you, what are you waiting for, go to our school.

Napangiti siya saka kinuha ang papel na nakapaskil sa pader at nagmadali siyang pumunta ng apartment. Kinapa niya ang bulsa niya. Bigla siyang nanlumo ng pagkapa niya wala na siyang pera magtataxi sana siya.

"Elosah!" tawag sa kaniya ni Emar. Isang tricycle driver na madalas kumakain sa karendirya na pinagtratrabahuhan niya dati. Hmm.. Moreno ito, ayos lang ang itsura, mukhang tao naman, pandak ito. Pero take note masipag ito sa trabaho.

"Saan ka nang galing? narape ka ba?" alalang tanong nito at bumaba ng tricycle saka siya nilapitan.

Ang gulo kasi ng buhok niya. Tapos yong suot niyang dress na pang manang ay gusot-gusot ay may butas pa.

"Hindi" sagot niya.

"Eh! Saan ka ba galing?" tanong ulit nito.

"Ah! kapalan ko na mukha ko ah! pwede pasabay? wala kasi akong pera, naubos ko eh!" ngiwi niyang sabi.

"Yon ba? no problem. Ets mi plesur to drib por a beautipul ledy" madiin na english na sabi nito.

Beautiful? pinagluluko ata siya nito eh. Kanina sabi narape raw siya tapos biglang sasabihin Beautiful!

***

"Salamat pala sayo, Emar" sabi ni Elosah ng makarating na sila ng apartment.

"Wala yun, Welcome" sabi ni Emar.

Pagtalikod ni Elosah. Nakita niyang nasa labas na ng bahay ang mga gamit niya.

"Lumayas ka na rito! aba ilang buwan kanang laging pass? aba'y malulugi ako sayo" sermon ng Landlord niya ng mabaling ang tingin niya dito.

Hindi na siya nagsalita. Basta na lang niya kinuha ang mga gamit niya. Nakita niya si Emar na nandun parin sa pinag iwanan niya. Lumapit ito sa kaniya para tulungan siya.

"Saan ka na niyan tutuloy?" tanong ni Emar.

"Ahmm.. Pwede bang makiligo sa inyo. May pupuntahan lang akong school. Try kong mag exam doon. Kung papalarin man bukod na libre pag aaral ko pati rin titirhan ko" sabi ni Elosah.

"Eh! pano kung di ka makapasa? di wala kang titirhan?" sabi ni Emar habang nagdrive.

"Hindi yan, tiwala ka lang sa akin" sabi ni Elosah.

Kung sa itsura ka babase ng katalinuhan. Talagang hindi mo aakalain na matalino si Elosah. Lagi siyang with high honors nung grade school at high school siya. Kaya tuwang-tuwa ang ama niya sa kaniya. Bigla tuloy siyang nalungkot ng maalala ang ama niya. Gusto man niyang sundin ang gusto nito, pero mahirap talaga dahil ayaw niya, mahirap naman kasing pagpilitan ang ayaw mo.

Matapos niyang maligo, good thing mabait ang pamilya ni Emar. Gustong-gusto siya ng mga ito dahil nagagandahan sa kaniya. San banda?. Sa totoo nga lang botong-boto ang mga ito sa kaniya na maging syota ni Emar eh. Pero siya deadma lang, hindi niya kasi type si Emar. Mabait ito sa mabait pero wala talaga hindi niya makapa sa puso niya. Nagprisinta ulit na ihatid siya ni Emar sa Muller University. Kaya bago sila umalis, ilang asaran at kantiyawan ang inabot nila.

"Sigurado kang dito ka mag aaral?" tanong ni Emar at nilibot ang paligid. Halata kasing exclusive school ito. Bukod kasi na mayaman ang nag aaral dito, maging artista at politician makikita mo dito na nag aaral.

"Oo, salamat talaga Emar ah!" sabi ni Elosah at hinawakan sa braso si Emar. Nakita niyang nahiya itong yumuko.

"Wala iyon. Sige goodluck! balitaan mo kami pag nakapasa ka ah?" nakangiting sabi ni Emar at kumamot sa bato.

Nakangiting tumango si Elosah. Huminga siya ng malalim bago naglakad papasok ng school.

"Kailangan kitang ipasa kung hindi? Wala akong matutuluyan!!" ngiwing bulong ni Elosah sa sarili.

.....................

A/N: yow!!! mga readers ko. Pasensiya na sa super late na UD dito. Eni-edit ko pa kasi.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon