PLAYBOY DOCTOR 34

3.6K 106 12
                                    


...........

"Wifey, hindi mo na ako makakauwi. Marami kasing pasyente" sabi ni Axyn kay Elosah na kasalukuyan niyang kausap sa phone.

[" Ganon ba, sige. Gusto mo ba na dalhan na lang kita ng pagkain diyan?"]sabi ng asawa.

Kaya lalo siyang na iinlove kay Elosah. Sa bawat araw na kasama niya ito. Lagi siya nitong inaalagaan. Sobrang understanding at sobrang lambing.

"Ahmm.. Hindi na, ikaw ba kumain ka na?" sabi niya.

["Hindi pa, iniintay kasi kita"] sabi nito.

Napangiti siya. Laging ganto ang asawa niya. Hindi kumakain na hindi siya kasabay.

"Ahmm.. Ganon ba, sorry talaga. Nagutom ka pa tuloy." sabi niya.

["Hindi ka ba talaga, makakauwi?"] tanong ulit nito.

"Hindi talaga, marami kasing pasyente. Kailangan na kailangan ng doctor ngayon" sabi niya.

Gustuhin man niya umuwi. Hindi pwede dahil tawag ng tungkulin.

["Ok, ingat ka riyan. I love you"] malambing na sabi nito.

Ngumiti siya. "I love you too. Babawi ako sayo." sabi niya.

["Ok lang, alam ko naman na importante ang tungkulin mo. Kaya naiintindihan kita. Sige na, hubby. Goodnight and I love you"] malambing na sabi nito.

"Goodnight and I love you. Lock the door and windows. Please take care. Wag kang magpapasok ng hindi natin ka kilala" bilin niya.

["Ok po, wag ka rin pong mambabae riyan. Kundi outside kulambo ka"] sabi ni Elosah.

Natawa siya. Hay! after tiring hours. Si Elosah lang ang nagbibigay sa kaniya ng energy.

"Opo, kumander. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Taas noo kahit kanino" natawa siya bigla sa mga pinagsasabi niya.

["Sige na po, goodnight"]

Napabuntong hininga siya ng matapos ang lakad niya. Ngayon lang niya hindi makakasama sa pagtulog si Elosah mula ng maging mag-asawa sila. Kaya hindi siya sanay.

"Doc, nakaready na po ang E.R" sabi ng nurse.

"Ok, lets start" sabi niya.

May nangyaring aksidente. Nagkabanggaan ang kotse at bus. Kaya maraming sugatan na pasyente at o-operahan. Nakakaawa ang mga iyakan ng mga kamag-anak ng mga tao.

Bigla niya tuloy na alala ang mga parents niya. Namatay kasi ang parents niya sa aksidente. Kaya hindi niya mapigilang malungkot. Dahil noong mga panahon na yon. Wala siya sa tabi ng mga ito.

"Doc, kumusta po ang papa ko?" tanong ng isang bata.

"Medyo maayos na ang lagay niya. Buti na agapan ang pagdurugo ng ulo niya. Wala rin siyang fracture sa buto" sabi ni Axyn.

"Salamat Doc" sabi nito.

Napansin ni Axyn na madungis ito.

"Walang ano man, isa ba ang tatay mo sa pasahero?" tanong niya.

"Hindi po, na ngangalakal lang po ang papa ko ng biglang nahagip iyong sinasakyan niyang trike. Natakot po ako. Baka mamatay ang papa ko. Papa ko na lang po kasi ang pamilya ko. Namatay na po kasi si Mama" sabi nito habang umiiyak.

Tinapik niya ito sa balikat.

"Nag-aaral ka ba?" tanong niya.

"Hindi po" sagot nito. "Gusto ko nga po kaso hindi po kaya" dagdag pa nito.

"Wag kang mag-alala. Paggumaling na ang papa mo. Kakausapin ko siya para sabihin na pag-aaralin kita. Bibigyan ko na rin ng trabaho ang papa mo" nakangiti niyang sabi.

Biglang yumakap sa kaniya ang bata.

"Nako! salamat po" sabi nito.

"Ano palang pangalan mo?" tanong niya.

"Popoy" sagot nito at pinahid ang luha.

"Ilan taon ka na?" tanong niya.

"Pito po" sabi nito. "Salamat po talaga. Hindi ko sasayangin itong binigay nyong pagkakataon na makapag-aral po ako. Ibabalik ko po sa inyo balang araw ang kabutihan nyo." dagdag nito at muling yumakap.

"Kahit wag mo ng ibalik. Ang importante makatulong ako"sabi niya.

May pakiramdam siya na makakamit ng batang ito ang pangarap niya sa buhay. Masaya siya na magiging susi siya at makakatulong sa pagkamit nito.

..........

Hindi makatulog si Elosah sanay kasi siyang katabi si Axyn.

"Hay! nakamiss si Dad mo no?" kausap ni Elosah sa aso.

Lumaki na kasi ang dating tuta. Nakasampa ito sa kama at katabi niya. Ganto talaga ang aso na ito kahit noong baby palang ito.

"Pero, dapat intindihin ko siya. Dahil sa field of work niya. Bilang doctor may tungkulin siya na mahalaga. Kaya dapat habaan ko pa ang pang-intindi ko" sabi ni Elosah at napaluha.

Namimiss niya kasi agad si Axyn. Hindi niya alam bakit nitong mga nakaraang araw nagiging emosyunal siya. Tapos lalong tumakaw. Medyo na tumaba rin siya.

Napangiti siya ng yakapin siya ni baby messie. Ang mga aso hindi man nakakapagsalita pero may mga pakiramdam sila. Alam din nila kung nalulungkot ang amo nila.

"Thank you, baby. Buti na lang kasama kita lagi. Kaya nawawala ang lungkot ko" sabi ni Elosaha at hinaplos ang balahibo nito.

Natawa siya ng tapikin siya nito gamit ng isa nitong paa.

"Para ka talagang tao no? siguro kung tao ka. Ikaw ang bestfriend ko" nakangiting sabi ni Elosah at hawak ang mukha ng aso. Natawa siya ng dilaan siya nito.

"Tulog na nga tayo" sabi ni Elosah at niyakap ang aso.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon