PLAYBOY DOCTOR 13

4.2K 98 0
                                    


"Mely said na may sakit daw sa puso ang anak mo?"si Axyn. Kararating lang nila galing mall. Nasa office sila ni Zander.

"Yeah " yon lang sabi ni Zander at nakikipaglaro sa anak niya.

"Kamukha mo talaga siya lalo na ng bata ka pa " sabi ni Axyn.

"I agree. Every each of him nakuha niya sa akin " sabi ni Zander at tumingin kay Axyn na nakaupo sa couch.

"Naalala ko nga yong bata kapa. Yong twing naglalaro kayo ni Daddy. Kapag nasa office niya kayo. Ganoon ang itsura mo at ang anak mo. I'm sure Dad will happy. Kung nandito pa siya na nakikita na may apo siya na kamukhang kamukha mo "

Biglang nakaramdam ng lungkot si Axyn ng malala ang mga magulang nila ni Zander. They were wanted to see their grandchild, bago man lumisan sa mundo pero nangyari na ang nangyari. Hindi na maibabalik pa.

"Yeah, even our Mom. I think baka pang gigilan niya ang anak ko " sabi ni Zander at nakangiting nakatingin kay Zero na busy sa paglalaro.

"Kinasal ka pala. Hindi ko man lang na balitaan " sabi ni Axyn. Napatingin sa kaniya si Zander.

"No, I'm not married" seryusong sabi ni Zander at umayos ng upo.

"Eh bakit nagkaanak ka? By the way where is the mother of your child " sabi ni Axyn.

"It's a long story. I met his Mom two years ago in the bar and we are living together after I knew that we've a child"

"You mean she is a prostitute?"

"I don't know but she is dancer "

"Hindi ka man lang nagdalawang isip na mapatirahin siya sa bahay mo? You know nagtrabaho siya sa bar? Malabong hindi siya nagpapa-"

Hindi naman sa pagiging judgemental. Mahirap na kasi sa panahon ngayon, kung sino pa mukhang angel yun pa pala demonyo ang ugali.

"No, bakit kailangan na mag dalawang isip ako? Dahil ako ang nakauna sa kaniya. At kahit sa bar siya nagtrabaho. I know may dahilan siya kaya tinanggap ko siya"Sabi ni Zander.

Alam niyang kapag nagdesisyon si Zander mahirap ng baguhin. Kasi talagang buo ang isip nito.

"Ok.. Hmm.. Mukhang nakakainteresado siya. Ano ba name niya?" nakangiting sabi ni Axyn.

"Samantha, yong assistant ko na intern palang " Nagulat si Axyn sa sinabi ni Zander. Dahil hindi mukhang may anak na ang dalaga.

"What? You mean yung magandang babae na madalas pinag uusapan " gulat na sabi ni Axyn.

He can't believe the fact.

"Pinag uusapan?" Takang sabi ni Zander.

Yes, simula kasi ng maging intern si Samantha naging center of attraction na ito sa hospital.

"Yeah, akala ko dalaga pa siya .To be honest bro. Type ko siya "pag amin ni Axyn.

Maganda kasi ang dalaga at napakabait pa sa mga pasyente. Nakita niyang nagdilim bigla ang mukha ni Zander.

"Chill bro." Natatawang sabi ni Axyn. Mukha kasing kakain ng tao si Zander.

Maybe crush lang ang tingin niya kay Sam dahil nga maganda ito at mabait. Saka hindi lang naman siya ang nagkakagusto kay Sam halos lahat ng nurse na lalaki sa hospital.

"Don't you dare to come near her or touch her. Dahil gagawa talaga ako ng paraan para mawala ka rito sa hospital " galit na sabi ni Zander.

Ganyan si Zander, alam niyang possessive ito pag nagkaroon ng karelasyon. What's mine, his mine.

"Ok.. Sabi mo. Bakit natatakot ka ba na maagaw ko siya sayo? Tulad ng akala mo na inagaw ko sayo si Nutella?" Nakangising sabi ni Axyn.

Wala talagang araw na hindi sila nagtatalong magkapatid simula ng dumating siya ng Pinas.

"Walang kang karapatan na sabihin ang pangalan niya sa harapan ko!" Pigil galit na sabi ni Zander.

"Why? Guilty ka parin. You know bro. Wala kaming relasyon ng fiancee mo. Kung alam mo lang ang dahilan " seryusong sabi ni Axyn.

"Anong kung alam ko lang?" Takang sabi ni Zander.

Alam niyang maguguluhan si Zander sa sinabi niya. Ngumiti siya at tumayo.

"Sorry bro. Sabi ni Nutella kahit na mamatay na raw siya o ako wag ko raw sasabihin sayo ang dahilan niya "chill na sabi ni Axyn bago lumabas ng office.

Hindi pa niya pwedeng sabihin ang totoo kay Zander. Ngayon pa bang masaya na ito sa pamilya nito. Hindi na siya papayag na maging miserable na naman si Zander dahil kay Nutella.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon