"Gosh !! Sino iyan? ang creepy!" Iyan ang kadalasan na sinasabi ng mga tao na nadadaan ni Elosah.She is a new transfery nag take siya ng course na criminology. Wala siyang paki sa sasabihin ng iba kung magulo man ang buhok niya at lukot ang damit. Wapakels siya!
Eh. Sa wala siyang time mamalansa. Saka sanay na siya sa sinasabi ng ibang tao na weirdu o creepy siya, dahil na din sa hindi siya nagsusuklay. Hinahayaan niya lang kasi ang mahabang buhok niya na nakalugay at gulo-gulo dahil hindi niya ugaling mag suklay ng buhok saka mag ipit.
Tumabi siya kay Bettie na nakangiwi habang pinapasadahan ng tinggin siya. Hindi siguro siya namukhaan dahil ilang taon na din silang di nagkita.
"Te yung totoo. Seryuso ka ba sa pinapasok mo na course .Eh! Mas bagay pa sayong maging si Sadako " uyam ni Bettie sa kaniya. Tumingin siya ng matagal kay Bettie lalong naging manly ang itsura nito compare dati. Kaya hindi halatang bakla ito.
"Bictorio " mahinang sabi ni Elosah.
"O! Tapos?" taray ni Bettie at inirapan ito. Maldita ang peg ni Ate gay .
"Hindi mo ba ako nakikilala, si Elosah "mahinang sabi niya.
"Ano?Subukan mo kayang lakasan ano!" taray nito. Sanay na siya sa katarayan nito. No choice siya.
"Elosah Sandoval " sinigawan niya ito sa tenga kaya napatingin sa kanila yung mga kaklase nila.
"Elosah? You mean yong pakakasal sa akin?" Takang tanong ni Bettie at nililibot ang tingin sa paligid baka kasi may makarinig mahirap na.
"Ako nga?" at umayos ng upo saka humikab. Ginalaw niya ang tungki ng ilong niya.
"Hinahanap ka ng mga magulang mo hah? Bakit ka naglayas?"sabi ni Bettie.
"Dahil ayaw ko magpakasal sayo saka ikaw din naman diba? " sabi nya at sinubsob ang mukha sa desk .
"Ako rin naman. Gusto mo magtulungan na lang tayo " suggest ni Bettie at tinapik ang dalaga. Pero hindi ito kumibo dahil naghihilik na pala ito.
"Wala na itong pag-asa " naiiling na sabi ni Bettie. At pinagmasdan ang dalaga na nakanganga pa at tulo laway habang natutulog. Sanay na si Bettie sa kaniya sa pagiging antukin niya sa klase. Pero madali naman siyang makagets. Nag advance kasi siya ng pagbabasa kaninang madaling araw kaya hindi siya natulog at antok na antok ng pagpasok. Kaya kahit ano na lang masuot niya sa pagpasok. Saka hindi niya man siya tulad ng ibang babae na nagmake-up mo na bago lumayas ng bahay.
***
Flashback3years ago..
Nag usap si Bettie at Elosah na kailangan nilang mapatigil ang kasal. Ang usapan kasi kapag nagtutong na sila sa desi-otsong edad saka sila itatali sa kasal.
"Iyan! di ka na makikilala!" sabi ni Bettie kay Elosah ng ma-make over niya ito.
"Galing ah?" sabi ni Elosah ng tignan ang sarili sa salamin. Kinulayan kasi ni Bettie ang buhok niya ng blonde. Then nilagyan siya ng make up tapos pinagsuot siya ng pang barbie na damit.
Paglabas nila ng kwarto saktong walang tao sa sala. Dali-dali silang umalis sa may likod sila dumaan. May tago kasing gate doon na sinabi ng yaya niya.
"Ingat kayo ah!" sabi ni Violy, matanda na ito at taga pag alaga ni Elosah noong bata pa ito.
Inabot sa kaniya ang passport niya. Ito kasi ang inutusan niyang mag asikaso.
"Sige, salamat po" sabi ni Elosah at niyakap ang matanda.
Hinatid siya ni Bettie sa airport papuntang ibang bansa.
.....
Habang nasa cafeteria siya sumabay siya kay Bettie.
"Nahanap nako ni Daddy" sabi ni Elosah habang kumakain ng humburger. "Ikaw?"
"Hindi ko sinasabi pero may contact sila sa akin at pinapahanap ka nila sa akin" sabi ni Bettie.
"Wag mong sabihin na nandito ako ah!" sabi ni Elosah.
"Syempre naman, para mapatagal ang pagpapakasal. Saka sa dami naman ng school dito ka talaga nag aral ah? Yong totoo?" sabi Bettie at pinaikot ang mata bago uminom ng mango graham shake.
"Eh, wala naman akong pera na naubos na. Saka kailangan ko ng matitirhan na walang bayad. Kaya since ito naman yong nakita kong school na may ganong offer kaya nagtry na rin ako" sabi ni Elosah.
"Pero bakit ka pala nandito sa bansa akala ko ba nagpunta kang New York?" sabi ni Bettie.
"Eh! may nag sabi kay Daddy na umalis ako. Kaya ora mismo sinundan ako at hindi ako natuloy kasi hinarang ako na bawal akong umalis ng bansa. Buti nga nakatakas ako non eh. Kaya nagpunta na lang din akong Manila" sabi ni Elosah at humikab.
"Buti ngayon ka lang nila nahanap, ilang taon na diba" sabi ni Bettie.
"Ewan ko? baka ngayon lang nagsipag ang tauhan nila na hanapin ako." sabi ni Elosah "Saka hindi ako naniniwala na walang mata sila sa paligid natin. Baka nga magulat na lang tayo na kukunin na lang tayo nila" dugtong niya pa.
"Natatakot ako girl! Gusto ko na tuloy sa ibang planeta" sabi ni Bettie.
"Kamusta ka naman, may boylet ka ba?" ngising tanong ni Elosah.
"Wala nga eh! Walang nagtatangkang rapepin ako" nakasimangot na sabi ni Bettie.
"Parape kita gusto mo?" sabi ni Elosah.
"Basta sa mga fafalicious" baklang-bakla na sabi ni Bettie.
"Luko!" sabi ni Elosah na napa iling. "Pero may mga naging kaibigan ka naman" tanong niya.
"Oo ang bait niya at ang ganda. Kaso may anak na siya eh. Magkasama kami sa upahan" sabi ni Bettie. " Ikaw ba?"
"Hmm.. Si Emar, mabait siya. Oo mabait siya" sabi ni Elosah .
"Parang delikado iyang sinasabi mo ah!" natatawang sabi ni Bettie.
Ngumiti lang si Elosah.
Biglang nagring ang bell kaya bumalik na sila sa room nila for next subject may tatlong subject pa bago maguwian.
Pagpasok palang nila ay biglang inantok si Elosah. Dahil naboboringan siya sa subject na tinuturo. Kaya pag upo palang niya sa upuan niya ay agad siyang dumukdok doon para matulog.
"Uyy!!" tinapik siya ni Bettie kaso hindi na gumalaw dahil nag hihilik na si Elosah.
.............
A/N: Hello!!! unti-unti ko na pong sinisimulan ng lovestory ni Axyn at Elosah.
BINABASA MO ANG
PLAY BOY DOCTOR
Roman d'amourPlagiarism is a crime. Be unique Credit to Damaschin Alina for the picture.