PLAYBOY DOCTOR 37

3.7K 107 12
                                    

Naisipang isama ni Axyn si Elosah sa Muller General Hospital para magpacheck up.

"Hubby, bakit mo ako sinama? hindi ka ba busy?" sabi ni Elosah.

Hinawakan ni Axyn ang kamay niya at hinalikan. Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse.

"Hindi ako pupunta doon para magtrabaho. Remember, day off ko ngayon" nakangiting sabi ni Axyn.

"Eh bakit tayo pupunta roon?"tanong ni Elosah habnang kumakain ng grapes.

"Magpacheck up tayo" nakangiti na sabi ni Axyn.

"Bakit may sakit ka ba?"halata sa mukha ng dalaga ang alala sa kaniya. Hinaplos nito ang leeg niya.

"No, ikaw ang magpacheck up" nakangiti na sabi ni Axyn.

"Ha? wala naman akong sakit!" sabi ni Elosah at muling nilantakan ang kinakain.

Natawa si Axyn. Halatang di alam ng asawa niya na buntis ito.

"Basta, mamaya. Malalaman mo wife" sabi ni Axyn at hinalikan sa kamay si Elosah.

He is excited to know. Kung ilang buwan na ang pinagbubuntis nito. Hindi siya pwedeng magkamali na buntis ito. He is a doctor. Alam niya symptoms nito. Kahit na hindi siya obgyne.

......

"Goodmorning, Doctora"bati ni Axyn.

Ngumiti ang doctora.

"So I didn't expect na dadating ka sa puntong ito, doc. Muller the first" nakangising sabi ni Doc. Allane.

Natawa si Axyn habang hawak ang kamay ng asawa. Bigla siyang kinabahan ng samaan siya ng tingin ni Elosah.

"What?" malambing na tanong niya dito.

"Naging babae mo rin ba siya?" malamig na tanong nito.

"Ahm.. Mrs. Muller, hindi ko kaladkaring babae. Alam natin na gwapo ito si Doc. Muller, pero hindi ko fav ang incest. He's my cousin in mother side. Don't worry. Kung hindi man kami magkamag-anak nito. Hindi ko parin siya papatulan, dahil ang panget niya" sabi ni Doc. Allane.

Natawa si Elosah.

"Oo nga po, doc. Ang panget na niya sa paningin ko." sabi ni Elosah at nilamutak na naman ang pisnge niya.

"Panget, patay na patay ka nga sa akin!" sabi ni Axyn at hinawakan ang kamay ng asawa na nanlalamutak sa mukha niya.

"Oy ikaw kaya yon!" sabi ni Elosah. At hininto ang paglamutak sa mukha nito. "Hindi ka nga pumayag na ipakasal ako kay Bettie eh!" nakacross arm na sabi ni Elosah.

Natawa si Doctora at Axyn.

"Oo na wifey" sabi ni Axyn. Niyakap ang asawa.

"Hay respeto sa single ah. Simulan na natin at baka langgamin ang buong hospital" sabi ni Doc. Allane. Nabubungis si Axyn. "Babatukalin kita diyan, Axyn. Manahimik ka kakalandi sa asawa mo ng matapos tayo" seryusong sabi nito.

"Ok, sorry" sabi ni Axyn saka bumaling kay Elosah. "Wifey, sa labas lang ako. May kakausapin lang" sabi ni Axyn.

"Sige" nakangiting sabi ni Elosah.

Hinalikan ni Axyn sa noo ang asawa bago lumabas.

"Kumusta naman bilang asawa ang hudyo kong pinsan?" tanong ni Doc.

"Ahm..masaya, sobrang bait ni Axyn. He is sweet, napakalambing niyang asawa. Stick to his words. Hindi na siya nagpipiling binata. Hindi ko naman siya hinihigpitan. Kung gusto niya makasama kaibigan niya basta walang babae" sabi ni Elosah.

"Tama nga sabi ni Tita Anie na kapag nagseryuso ang Muller, stick to one talaga" sabi ni Allane. Binigyan siya ng tatlong PT. "Gamitin mo yan, umihi ka then gamitin mo iyong PT sa ihi mo yong tatlo na yan. Pagtwo line postive, pag one negative. May procedure naman diyan sa box" sabi ni Doc. Allane.

"Ok, Doc" sabi ni Elosah at pumasok sa c.r

She's patient wait for the result for the third PT. Lahat ay Positive. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ngayong may anak na sila ni Axyn sa sinapupunan niya.

"Let me check" sabi ni Doc. Allane. Napangiti ito. "Now, higa ka sa kama para ma-sure natin na buntis ka. I'm sure priceless ang magiging mukha ni Axyn" natatawang sabi nito.

"Sana nga maging masaya si Axyn" sabi ni Elosaha at humiga.

.......

"Bro, punta naman kayo ng gang sa rest house ko" sabi ni Axyn.

Kausap niya ngayon si Zander. Nakaupo siya sa sofa. Pagmay mga nurse na nakikita siya at nagpaperma sa kapatid. Ningitian niya pagbumabati.

"Bakit?" seryusong tanong ni Zander.

Kahit kailan talaga ang cold nitong kausap.

"May announcement lang ako" sabi ni Axyn. Halata ang ngiti sa mukha.

Habang nag-uusap sila. Sakto namang dating ni Samantha. Kasama nito ang bunsong anak nila Zander na kambal. Ang cute ng mga ito. Nakalagay sa stroller.

"Hello, babies" sabi ni Axyn.

"Hello to your Tito"sabi ni Samantha.

Samantha, kahit nakailang anak na sexy parin.

"Can I carry her?"tanong ni Axyn. Si AGM iyon. Alexha Geliane Marie.

He is excited to carry his child with Elosah.

"Sure" sabi ni Samantha. Binigay nito ang baby saka dumiretso sa asawa. "Hello, my baby" sabi nito at hinalikan.

"Full energy na naman ako, Mommy" sabi ni Zander. "Sabi pala ni Axyn, punta daw tayo sa rest house. May announcement daw ang mukong na ito" dagdag ni Zander.

"Oh! ganon, mukhang nagpractice ka na mag alaga ng bata ah" sabi ni Samantha. Habang buhat si Alexander jr.

"Yes, para bihasa na sa future" sabi ni Axyn. "Sige" binigay niya ang baby kay Zander.

"Come to Papa, baby" sabi ni Zander.

"Pasabi na lang sa iba. Pupuntahan ko pa si Elosah" nakangiting sabi ni Axyn at naglakad na paalis.

......

"Kumusta ang check up?" tanong ni Axyn sakto paglabas ni Elosah sa kwarto.

Nakangiti itong pinakita sa kaniya ang ultra sound pic.

"Omy! sabi ko na nga ba eh!!!" sabi ni Axyn at nagtatalon. Binuhat si Elosah saka kinatok ang pintuan ng room ni Zander.

"Oh?" si Samantha ang nagbukas.

"Elosah is 4 weeks pregnant!!!" sigaw ni Axyn.

"Wow! congrats!" sabi ni Samantha at niyakap si Elosah.

Lumapit na si Zander na bitbit si Samie.

"Congrats, bro. Kaya naman pala. Ang saya ng aura mo" sabi ni Zander at tinapik sa balikat si Axyn.

"Salamat, kaya punta na kayo sa rest house bukas." sabi ni Axyn.

"Sige na, paulit-ulit ka!" sabi ni Zander. "Saka umuwi na kayo. Masama sa kaniya na masiyadong expose sa hospital at maraming naamoy na gamot saka may mga sakit. Naturingang doctor ka pa naman" dagdag nito.

"Oo nga no, let's go wife" sabi ni Axyn at naglakad habang buhat ang asawa.

Pagkapasok nila sa kotse. Hinarap siya ni Axyn.

"I love you, wife. Thank you for giving this blessing. I can't wait to see him or her" sabi ni Axyn at hinalikan si Elosah sa lips tapos bumaba sa tiyan niya. "Hay baby, this is your dady. Can't wait to see you" kausap nito sa tiyan niya.

Napatingala si Axyn sa kanina. Nakita siyang naluluha.

"Thank you, Axyn for loving me. Hindi ito mabubuo ng wala ka at hindi pinagkaloob ng Diyos. Thanks God"sabi ni Elosah at hinaplos ang pisnge ni Axyn. Naluluha na rin kasi ito.

"I love you, wifey" sabi ni Axyn at niyakap si Elosah.

..........

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon