PLAYBOY DOCTOR 11

4.4K 89 3
                                    

"Goodmorning Doc. Muller " bati ng mga nurse kay Axyn. Mga kinikilig ito kapag nginingitian niya.

Habang naglalakad siya may nakita siyang batang lalaki. Gwapo ito, maputi at green eyes, parang naliligaw ito. Kaya nilapitan niya ito.

"Hey! Kiddo. Sino ang kasama mo?" Tanong niya sa bata.

"Si Papa ko po." Sabi ng bata. May hawak itong laruan.

"Ganon ba? Tara hanapin natin ang Papa mo " sabi ni Axyn sa bata at binuhat .

"Ilan taon ka na pala?" Tanong ni Axyn habang naglalakad sila.

"Mag three years old po" sagot nito.

"Baby Zero!" Tawag ni Mely. Liningon nila ito. Lumapit ito sa kanila. Mukhang pagod na pagod ito.

"Bakit ka umalis sa office. Sabi ko roon ka lang diba?"sabi ni Mely kay Zero. Binigay sa kaniya ni Axyn ang bata.

"Hanap ko kasi si Papa" sabi ni Zero. "Tagal kasi niya balik "nagpout ang bata. Napangiti si Axyn at may naalala.

This kid is look a like of Alexander when he was a kid. He thought.

"Diba! Sabi ni Papa mo may meeting lang siya.Tapos babalikan ka din niya na may dalang pasalubong " sabi ni Mely.

"Kaninong anak siya?" Tanong ni Axyn.

"Kay Doc. Alexander po " sabi ni Mely.

"Anak? May asawa na ba si Zander?" Takang tanong ni Axyn. Sa ilang taon na nasa New York sila. Wala silang kumunikasyon ng kapatid niya. Kaya wala siyang alam sa nangyari rito.

"Hindi ko po alam. Basta dumating na lang po siya kanina na dala itong bata" sabi ni Mely.

"Nasaan ba si Zander at iniiwan niya ang pamangkin ko. Can I carry him again?"sabi ni Axyn. Binigay naman sa kaniya ni Mely ang bata. "Hello baby. Ako si Tito Axyn, kapatid ako ng Papa mo "sabi ni Axyn kay Zero.

"Eh. May meeting po siya kay Doc. Mora "sabi ni Mely.

"Baby, gusto mo ba gumala. Do you want to play?"sabi ni Axyn sa bata.

"Ay! Doc. Di po siya pwedeng pagurin. Ang sabi kasi ni Doc. Alexander may sakit sa puso ang bata. Kaya bawal po maglaro " sabi ni Mely.

"Ganoon ba? Sad naman pala Baby Hmm.. Kain na lang tayo. Tapos bili tayo ng toys " sabi ni Axyn sa bata.

"Talaga po?" Tanong nito.

"Yes, sayang gusto ko sana na dalhin kita sa playground .Kaso bawal ka pala ." sabi ni Axyn sa bata. "Paki sabi na lang sa kapatid ko na sasama ko lang ang anak niya"baling ni Axyn sa nurse.

"Ah sige po"sabi ni Mely.

***

"Yeah, kasama ko siya. I know na bawal siya mapagod kaya binili ko na lang siya ng laruan " sabi ni Axyn.

Nasa toy store sila ni Zero. At napansin niya na more on doctor toys ang gusto nito at kotse.

["Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak ang anak ko "]halata sa boses nito ang pag aalala.

"Don't worry, dear brother parang hindi doctor ang kapatid mo kung makapag alala ka.Wala ka bang tiwala sa kapatid mo?"sabi niya.

["Tsk.. Yeah I don't trust you.Take good care of my son or else I sue you "]banta nito.

" Yeah.. "Sabi ni Axyn at pinatay ang tawag. "Bakit ko ba tinanong kung matiwala siya sa akin? How silly I am "tanong niya sa sarili.

"Tito tama na po ito. Dami na po na ng laruan"sabi ni Zero.

"Oh. Sige bayaran na natin iyan "sabi ni Axyn at tinulak ang push cart.

Bigla siyang may na alala ng may makita na magkapatid na lalaki na naghaharutan. Nasa bandang unahan ito ng pila sa counter.

....

He is a five years old while Alexander is Four years old.They were in a toy store with his Mom.

"Alexander hey! Ako ang naunang pumili niyan "sabi niya sa pasaway na kapatid. Naghahabulan sila nito.

" No! Ako kaya "sabi ni Zander at dumila.

" Mom, ang daya ni Alex. Ako ang unang nakakita niyang toys "sumbong niya sa Mommy niya.

"Hayaan mo na anak. You're his big brother kaya dapat intindihin mo na lang siya kasi baby brother mo siya "sabi ng Mommy niya..

"Ok, sayo na nga lang iyan. I choose another one na lang "sabi niya..

"YEHEY!! Thanks Kuya Love you"sabi ni Zander at niyakap siya.

....

"Let's go " sabi niya kay Zero. Ngumiti naman ang bata. Binuhat niya ito saka sinakay sa kotse.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon