Special Chapter.

5.5K 147 18
                                    


"Araz and Arxen!" tawag ni Eloisah sa mga anak.

"Mom, wait lang po. Nag-aayos pa kami ni Kuya Arxen" sigaw ni Araz na bunsong anak nila ni Axyn.

"Wifey, hayaan mo muna ang mga bata. Excited kasi sila na makita ulit ang mga kaibigan nila" si Axyn.

Still handsome doctor parin. Sa labing limang taon na pagsasama nila. Walang nagbago sa lahat. Si Axyn ay mabait at mapagmahal na asawa at ama ng anak niya. Malambing parin hanggang ngayon.

"Alam ko naman, pero baka naghihintay na sila Sam" sabi ni Eloisah.

Siya ganon parin. Butihing ina at asawa ni Axyn. Pagkatapos niya makapanganak sa panganay nila. Saka niya tinuloy ang pag-aaral ng criminology. Ngayon ay pulis na siya. Una ayaw pumayag ni Axyn na magtrabaho siya, dahil delikado ang profession na pinili niya. Pero kalaunan pumayag ito ng sinabi niya na sa office siya magtrabaho. Ngayon ay leave nila ng asawa niya. Gusto nila kasi makabond ang mga anak nila. Hindi naman puro trabaho at school lang sila lahat. Mas maganda parin na nakakasama ang anak para mas mapalapit pa sa kanila.

Bumaba mula sa second floor ang dalawa niyang anak na nakaayos. Arxen Lander is 14 years old at kamukha ng ama. Araz Elleine ay 9 years old at siya ang kamukha pero ang mata ay namana sa ama.

"Hay! kaya naman pala ang tagal. Mga nagpaganda pa at papogi" naiiling na sabi ni Eloisah.

Natawa naman si Axyn saka inakbayan siya. Lumapit naman ang mga bata na may dalang bag. Magcamping kasi sila ngayon. Kasama nila ang gang.

"Siyempre, pogi ang Daddy kaya dapat pogi at maganda rin ang anak" sabi ni Axyn.

Natawa naman ang mga anak nila.

"Mom, tama si Dad. Saka baka may chicks doon. Nakakahiya kung hindi nakaayos diba?" sabi ni Arxen .

Naiiling naman si Eloisa sa sinasabi ng anak niya. Teenager palang ito si Arxen pero ang dami ng alam sa babae. Manang-mana sa pinagmanahan.

Sinamaan ng tingin ni Eloisah ang asawa.

"Ano na naman ang tinuturo mo sa anak mo?" naniningkit na sabi niya.

Napakamot naman sa ulo ang asawa.

"Mom, normal lang naman po iyon na magkakagusto ako" sabi ni Arxen .

"Oo, pero kung bata ka pa hindi" sabi ni Eloisah.

"Eh Mom, sa akin nga may mga nanliligaw eh" sabi ni Araz. Saka kumamot sa ulo.

Nanlaki ang mata nila sa sinabi ng bunso.

"No way!!" hysterical ng anak nilang panganay. "You are too young!" dagdag nito.

"You're OA kuya. Binasted ko na sila. Because Mom said it's too early to have bf" sabi ni Araz at yumakap sa ina.

Ngumiti naman si Axyn at Eloisah.

"Tama, baby. Huwag ka gagaya sa kuya mong pasaway" sabi ni Eloisah at inirapan ang anak at asawa.

Napanganga ang dalawa. Narinig nila ang busina.

"Popoy is here na" sabi ni Araz at tumakbo na palabas ng bahay.

Nailing na lang si Eloisah habang akbay ni Axyn.

"Alam mo naman na bestfriend ni Araz si Popoy" sabi ni Axyn.

"Yeah, at maganda rin iyon. Dahil mabait na bata si Popoy" sabi ni Eloisah. Nakita nila si Araz na naakupo na sa front seat katabi ni Popoy na magdrive ng van.

"Goodmorning po, Mommy Eloisah at Daddy Axyn" bati ni Popoy na poging pogi sa suot na t-shirt na white.

Ngumiti lang sila mag-asawa. At nailing ng pagpasok nila sa loob ng sasakyan ay nagtalo pa ang dalawang anak sa upuan sa front seat.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon