PLAYBOY DOCTOR 3

6.7K 128 0
                                    

Today ang araw ng libing ng mga magulang nina Axyn at Zander. Maraming maririnig na iyakan. Ang mga naririto ay mga kamag - anak kaibigan ng pamilya nila. Lubos din itong nagluluksa dahil sa pagkamatay ng mag asawang Muller. Zander and Axyn still not in good term. Wala silang imikan habang nakaburol ang mga magulang nila.

Pagkatapos ng libing nagpunta si Axyn sa park kung saan niya natatagpuan ang katahimikan. Nakahiga siya sa damuhan habang nakatingin sa bughaw na langit. Pahapon na din kaya maraming mga bata na naglalaro sa playground. Bigla niya tuloy na alala dito sila noon naglalaro ni Zander noong mga bata pa sila. Bigla na lang nagbago ang bunso niyang kapatid na mapagbiro, at full of joy. Sa One night mistake na wala naman talaga siyang kasalanan. Mahirap kasing amuhin ang bunso niyang kapatid na si Zander. He is very dangerous person. Nakakatakot itong galitin at mahirap pakiusapan. Saka mas pinipili nito ang gustong paniwalaan.

Napabuntong hininga na lang siya at napatingin siya sa babae na nakaupo sa damuhan na nakasandig sa puno habang nagbabasa saka may earphone sa tenga. Hindi niya mapigilang titigan ang mukha nito. Hinahangin ang mahaba nitong buhok na hindi ayos. Wala itong kayos-ayos sa mukha pero maganda parin dahil natural beauty. Her eyebrow, eyes, nose and lips are very perfect. Ang kulay din nito ay mestiza. Nakita niya na biglang may pumatak na luha sa pisnge nito na agad naman na pinahid. Gusto niya itong lapitan kaso nahihiya siya. Kaya nagkasiya na lang siya na titigan ito sa malayo.

'Siguro iniisip parin niya yung ex niya. Don't worry after kung magpunta sa New York. I will promise you. Hindi ka na iiyak ng ganyan. Just wait for me and you will be mine' he thought. Habang tinititigan ang dalaga na nakatitig sa kung ano man ang hawak nito.

                                   .......................★ ††† ★.........................

Elosah go to the park. Ito kasi ang tambayan niya everytime na nalulukot siya. Dala niya ang album na puro picture nila together ng exboyfriend niya. Speaking of ex, her ex is happily engaged with his new lover. Ang sakit isipin na sa tagal nilang magkasintahan. Puro lang kasinungalingan at panluluko lang ginawa nito. Hindi niya alam na may iba itong kinakalantari kapag hindi sila magkasama. Kaya raw sa kaniya nakipaghiwalay ito dahil hindi niya mabigay ang sarili niya. Such a pervert! Hindi nga niya alam kung paano niya nagustuhan. Masama ang ugali nito, mayabang ughhh... Basta lahat ng worst.

Napatingala siya sa langit at nakita niya ang mga ibon na malayang lumilipad.

'Buti pa sila malaya' she thought.

Bukod na broken hearted siya. Dumamay pa ang pamilya niya. Imbis kasi na damayan siya dinagdagan pa ang pasanin niya. Nakaplano na kasi ng Daddy niya na ipakasal siya sa kaibigan niya na si Bettie - este Bictorio. Her gay friend. Magkaibigan kasing matalik ang pamilya nila. Kaya ang napagdesisyonan na sila ang ipakasal.Parehas silang nagulat ng kaibigan niya. Hindi kasi alam ng pamilya ni Bettie na bakla ito.

Napabuntong hinga siya. Ngayon iniisip niya paano siya makakatakas? Yes .. Balak niyang tumakas para hindi matuloy ang kasal. Ganon din ang plano ni Bettie. Balak nitong mag aral sa Manila para makalayo sila sa pamilya nila.

★★★.

"Elosah, saan ka na naman nang galing?" Tanong agad sa kaniya ni Bettie. Nasa may pinto ng bahay ng pamilya Sandoval.

"Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo"dugtong pa ni Bettie.

"Ano naman ginagawa mo rito?"tanong niya. Sumimangot ito at namewang.

"Kainish si Pudrakels saka si Tito minamadali ang kasal, kaasar!"maktol ni Bettie. "What are we going to do girl?"Napaisip siya.

"Pumunta ka sa kwarto ko mamaya. Doon natin pag usapan ang plano"sabi ni Elosah. "At bakla, ayusin mo ang pag sasalita mo saka galaw baka matigbak ganern ka ng iyong Pudra "pati tuloy siya napapabeki words na.

"Ay! Sorrey na girl oki dokie. I'll go to your room later "sabi ni Bettie.

"Oh! Here you are anak. Ah. Total narito ka na rin sasabihin ko na nakailangan madaliin ang kasal ninyo ni Bictorio. Dahil pupunta kami ng China because of business matter"sabi ng Daddy niya ng makapasok siya ng Mansion.

"Ilang araw naman kayo roon?"walang emosyong tanong niya.

"I don't know anak"sagot nito. "Don't worry iha. Si Bictorio ang magbabantay sa iyo habang wala kami ng Daddy mo"sabi ng Papa ni Bictorio.

"Opo,Tito. Don't worry. Ako bahala kay My Babylabs."boses brusko na sabi ni Bettie at binulungan siya.

"Yakkk..talaga girl.."bulong nito sa kaniya. Gusto niya tuloy matawa.

"Hey! Son. Wag ka naman masiyadong mabilis. Get a room at doon nyo na ituloy iyang paglalambingan ninyo"nakangiting sabi ng Daddy ni Elosah. Para kasing hinahalikan sa leeg ni Bettie si Elosah kaya akala ng mga ito ay naglalambingan sila.

"Duh!! Kung pwede lang tumakas ngayon eh!" narinig niyang bulong ni Bettie. Tumayo ang mga ama nila. Hinawakan si Bettie ng Daddy ni Elosah sa balikat nito. Napastiff tuloy si Bettie at pinipigilang huminga.

"Son, always take good care of my daughter."sabi ng Daddy ni Elosah kay Bettie.

"Yes Dad"sabi ni Bettie.

"Ok, son. Una na kami ni Tito Edward mo "sabi ng Papa ni Bettie.

"Take care Pudra-este Daddy"sabi ni Bettie.

Nakahinga ng maluwag ng tuluyang umalis na ang dalawang matanda.

"Good acting ah!"sabi ni Elosah.

"Hu! Nakakaluka sila."sabi ni Bettie at nagpahod ng pawis sa noo. "Hindi ko kinikere na mag salita ng ganon "dugtong pa nito.

"Kumusta na pala ang Mommy mo?"pag iiba sa usapan ni Elosah.

"Ayon busy sa antique shop niya"sabi ni Bettie.

"Eh Your stepmom?"tanong ni Elosah.

"Duh!! Mukha siyang clown?"sabi ni Bettie at umirap.

Napatawa tuloy siya.

"Like duh! Makapagmake up akala mo mauubusan ng araw "sabi ni Bettie.

Si Bettie or Bictorio Tolentino is her bestfriend. Bata palang sila ay sila na ang magkasama sa lahat ng bagay at siya lang ang nakakalam na bakla ito. Natatakot kasi itong magumbag ng daddy nito. Seperated na ang parents nito simula noong highschool palang sila at siya naman namatay ang mommy niya pagkasilang palang sa kaniya. Ang daddy niya ay hindi na nag asawa pa, dahil mahal na mahal daw nito ang mommy niya.

"Pero maiba tayo girl. What are we going to do? This our chance na makatakas"

"Hmm.. Yeah. Iyan din ang naiisip ko. Tatakas tayo Bettie"

"Paano kung hanapin tayo nila. Tegbak ganern tayo, dahil mga Hepe sila "

"Basta kailangan na natin makatakas. Prepare your clothes. Kahit anong mangyari kailangan natin makaalis dito sa San Pedro "

"Eh.. Saan naman tayo pupunta kung sakali makaalis tayo?"

"I'll go to other country."

"Ibang bansa? Ako baka sa Manila lang. Siguro mag disguise na lang ako at ikaw din ganoon. We need to make over "

"Makeover?"

"Yeah.. Kaya let's go to your room" hinila siya nito papuntang kwarto.









......................................................................

A/N:Hello guys!! Sorry for late UD.

PLAY BOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon