"Relax, Eloi. Huwag ka kabahan" sabi ni Lynixie.
Lynixie ay maganda sa suot niyang gown. Kahit pa na bilog ang tiyan nito.
"O nga, best. Parang hindi ka kinasal ah?" nattawang sabi ni Bettie.
Ito kasi ang nag-aayos sa make-up ni Elosah. Kaysa gumastos pa ng malaki at baka hindi pa niya magustuhan ang make-up. Mas mabuti na kakilala na nila. Approved naman ito kay Axyn.
"Saka huwag ka mag-alala. Sisiputin ka ni Bayaw. Aba'y subukan lang niyang hindi. Ipapakulam natin siya" si Samantha.
Si Samantha still beautiful parin kahit ilan na anak. Nakamessy bond ang buhok nito na kulot. Nakalight make up lang.
"Wow, ang ganda mo Eloi!!" si Strawverry na kakarating lang sa kwarto.
Ang ganda ni Strawverry. Lalo itong naging strawverry. Kulay pink kasi kulot na buhok nito tapos yong gown ay may red ang kulay.
Ang location nila ay nasa mismong rest house nila Axyn. Malawak kasi ito. Ito ang plinano nila para hindi hassle.
"Siyempre naman!!" pagmamayabang na sabi ni Bettie.
"Infairness, ganda mo rin gurl" si Strawverry at tinutukoy nito si Bettie na kapwa nila nakagown.
Kinuha rin kasi itong abay. Mga naka red and white gown na may design na rose silang lahat na Abay na babae sa kasal. Ang mga boys naman naka tuxido na black tapos may bootie na red.
"Girls, nandiyan na si Axyn" sabi ni Aina na pumasok sa loob. Kasama nito si Kiel at Mark. Nilapitan agad ni Mark ang asawa.
Napahugot hininga si Elosah. Sakto naman pagpasok sa loob ng Daddy ni Elosah.
"Sige, alis na kami Eloi ah. Congrats ulit" sabi ni Lynixie at hinalikan sa pisnge sa Elosah. Ganon din ginawa ng iba at sunod-sunod na umalis.
Ngayon sila na lang ng ama niya ang natitira. Lumapit ito sa kaniya habang nakaupo siya. Teary-eyed ang matanda.
"Dad!" napaiyak na rin siya ng yakapin siya nito.
"You are so beautiful, anak. Before you were my baby. Now you're bearing a baby." sabi ni Edward at hinaplos ang pisnge ng anak. "Huwag ka umiyak anak. Mabubura ang make-up mo. Sige ka baka umatras si Axyn" dagdag nito. Too light up the mood.
"I love you, anak. Kamukhang-kamukha mo talaga ang Mom mo noong ikakasal kami." sabi ni Edward.
"I love you Dad" madamdamin niyang sabi at niyakap ang ama. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ng ama. Bago muling nagsalita.
"Sayang, Dad. Pangarap ko pa naman na kayong dalawa ang maghahatid sa akin pag ikinasal na ako." sabi ni Elosah.
She really miss her Mom.
"Let's go, Iha. Baka magwala na ang asawa mo, dahil hanggang ngayon wala ka pa" nakangiti na sabi nito.
......
"Chill, bro" sabi ni Zander at tinapik sa balikat ang kapatid. Si Zander ang kinuha niyang best man.
"Hindi ko mapigilang kabahan. Ganto pala yong piling ng ikakasal sa taong mahal mo. Para akong matatae na ewan!" sabi ni Axyn sa kapatid.
"Now, you know. Hindi ko nga naisip na magseryuso ka eh." sabi ni Zander.
"Me too, until I meet her" nakangiti na sabi ni Axyn.
"Ready na, Groom. Nandiyan na ang Bride" sabi ng organizer sa kasal nila.
"Cheer, Fafa Axyn!" sigaw ni Bettie.
BINABASA MO ANG
PLAY BOY DOCTOR
RomancePlagiarism is a crime. Be unique Credit to Damaschin Alina for the picture.