OKA's POV
"Goodmorning!" Sigaw ko sa kwarto ko pagkagising ko.
Pagtayo ko tinignan ko ang kalendaryong nasa lamesa sa gilid ng higaan ko. October 15 na pala ngayon at 4th year anniversary namin ng girlfriend ko.
Naligo na muna ako at nag ayos na ng sarili ko para makapasok na. Maaga naman ang uwian namin ngayon kasi finals na namin.
Pagbaba ko naabutan kong nag aalmusal ang inay at ang kapatid ko.
"Goodmorning!" Masiglang bati ko at umupo na para makakain na din ako.
"Sigla mo ngayon kuya, ah. Anong meron?" Tanong ng kapatid kong masungit na si Precila. Pero kahit masungit yan. Love na love ko 'yan.
"Oo nga, anak. Napansin ko din yun. Hindi ka naman ganyan pag umaga eh." Sabi naman ni Mama.
"Bakit bawal na ba maging masaya pag umaga, Ma?" Sagot ko.
"Hindi naman sa ganun, anak. Naninibago lang ako sayo. Oh, siya kumain ka na baka ma-late kapa sa exams mo." -Mama
Hindi na'ko sumagot at kumain nalang.
"Alis napo ako, 'nay." Sabi ko pagkatapos kong kumain.
Hindi ko na hinintay 'yung sagot ni Nanay at umalis na ako agad. Baka ma-late pako sa exams namin mahirap na.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ay binabati ko ang lahat ng nakakasalubong kong kakilala ko. Bakit ba? Masaya ako ngayon eh. May inihanda pa naman akong surprise para sa kanya. Pinagpuyatan ko pa 'yun kagabi.
"Anong nakain niyang si OKA? Bakit parang ang saya niyan ngayon?"
"Baka nasapian ng masamang ispiritu."
"Nako, siguro nga. Hindi naman kasi ganyan eh."
Rinig kong usap-usapan ng mga taong nadadaan ko.
Hindi ko nalang pinansin. Kung hindi lang ako masaya ngayon baka kung ano ng nasabi ko sa mga 'yun. Pero dahil nga sa masaya nga ako. Hahayaan ko nalang sila.
Mabilis akong nakarating ng school kasi hindi traffic ngayon. Infairness may improvement sa kalsada ah, kahit isang araw lang. Ganyan kasi ang gobyerno eh. Sa una lang magaling. Kalaunan lalabas din ang tunay na ugali --na isa ring malaking "BUWAYA"
Pagpasok ko ng room saktong kakarating lang din ng proctor ng magpapa test samin.
Ipinaliwanag lang ang mga gagawin at agad din namang sinimulan ang exam.
Masaya at mabilis akong natapos sa mga exams namin. Sus! Ang dali lang ng mga exams. Siguradong perfect ako sa lahat.
"Bilis mo natapos OKA, ah."
"Oo nga, tsaka bakit parang ang saya mo ngayon, ha?"
Tanong sa akin ng mga classmate kong feeling close. If I know isa rin yan sa mga nag-aasar sa akin dito sa school.
"Wala kayong pakialam." Sagot ko at lumabas na ng room.
Anong oras na ba? 12:50PM nadin pala. Halos tatlong oras din pala akong nag exam.
Mapuntahan ko na nga ang girlfriend ko baka hinihintay na ako nun eh. Walking distance lang din naman ang layo ng university nila sa school namin.
Pagkarating ko sa harap ng school nila ay naghintay muna ako. Bawal kasing pumasok ang mga outsider sa school nila. Makalipas ang ilan pang minuto.. Ayun! Nakita ko na rin siya.

BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"