XIX: Ang Mahiwagang Hiwa

150 33 18
                                    

NOTE: Wag masyadong gamitin ang imagination niyo. Haha :)

Erza's POV

Sabado ngayon, walang pasok. Nandito ako sa bahay nila OKA para tumulong sa paghahanda ng mga babaunin namin para sa outing. Yung simpleng picnic na pinlano namin ni OKA nauwi sa outing. Namili na kami kagabi ng mga kakailanganin namin kaya tinutulungan nalang namin si Nanay Baby sa pagluluto.

"Nay, tama po ba itong hiwa ko sa patatas?" Tanong ko kay Nanay Baby. Lumapit sya sa akin at tinignan yung mga nahiwa ko. "Liitan mo pa Erza, masyadong malaki yan para sa menudo." Bumalik na sya sa niluluto nya matapos nyang sabihin yan.

"Ganun po ba? Sige po, Nay." Ang hirap pala maghiwa, magpapraktis nga ako sa bahay.

"Luto na ang inihaw na bangus at tilapia!" Sigaw ni OKA na kakapasok lang dito sa kusina dala ang mga inihaw na isda.

Nilapag ni OKA sa mesa yung mga isda. Hmm.. ang bango naman, ginutom tuloy ako bigla, matikman nga. Kukurot na sana ako dun sa matambok na tilapia na tila ba nang-aakit sa akin ng biglang may humampas sa kamay ko.

"Hep hep, baon natin yan friendship. Mamaya mo na pagnasaan." Epal naman nitong si OKA, para titikman lang naman eh.

"Isang kurot lang naman OKA, nakakatakam kasi i." Nag pout pa ako at nag puppy eyes pero umiling-iling lang si OKA.

"Hindi pwede. Tiisin mo nalang 'yang takam mo." Kainis naman! Nilayo ni OKA 'yung mga isda sa akin. Goodbye tilapia, huhuhu.

"Nay, nasaan po 'yung mga basket na dadalhin natin? Ilalagay ko na po itong mga isda. Delikado po kasi baka maubos ng malaking pusa." Tumingin sa akin si OKA at ngumiti ng pang-asar.

"Itanong mo kay Precila, siya ang nagbasta nun, Anak." Sagot ni Nanay Baby.

"Sige po, Nay." Tumingin ulit sa akin si OKA.

"Sige mang-asar ka pa! Ikaw ang kainin ko dyan eh!" Tinignan ko sya ng masama. Tinawanan lang ako ng loko sabay alis.

Bwisit talaga 'yung hambog na 'yun! Para isang kurot lang eh, napaka damot!

Sa sobrang pagkainis ko nahiwa tuloy ako sa daliri. "Ouch!" Shems ang daming dugo! Pati 'yung hinihiwa kong patatas nag kulay dugo na rin.

"Hala! Anong nangyari?" Biglang sumulpot si Luffin sa tabi ko at kinuha 'yung kamay kong duguan.

"Nahiwa lang ako. Ang tanga kasi nung kutsilyo eh. Ha-ha-ha." Tumawa pa ako ng peke kahit ang totoo masakit talaga yung hiwa ko. Oy, yung sugat ko ang tinutukoy ko ha. Hindi yung hiwa ko talaga. Ayst! Ano ba naman 'tong sinasabi ko.

"Nagagawa mo pang magbiro dyan nahiwa ka na nga. Halika hugasan natin baka maimpeksyon pa yan." Masyado namang concern 'tong si Luffin.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon