XVII: Ice Cream

173 37 18
                                    

Erza's POV

10:30 P.M

Ilang oras na akong pagulong-gulong dito sa kama ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

"Argh! Peste ka OKA! Ang sarap mong ipatapon sa Northpole!"

Bwisit kasi yang si OKA eh. Sya lang naman ang dahilan kung bakit gising pa rin ako hanggang ngayon. Naiinis kasi ako sa tuwing naaalala ko na hindi nya ako nagawang pagkatiwalaan ng sikreto nya. Kainis talaga!

Bumangon ako at kinuha yung cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Tatawagan ko si OKA, susubukan ko ulit syang paaminin dahil hindi ako matatahimik nito. Dinial ko na yung number nya.

Calling Bagyo..

Yan po talaga ang pangalan ni OKA sa phone ko. Nagtataka pa ba kayo kung bakit bagyo? Tsk!

After 36 years, sinagot na din nya.

[Hello?] Mukhang bagong gising yung boses nya.

"OKA?" Nag-aalangan kong sabi. Naistorbo ko kasi yata sya sa pagtulog.

[Oh friendship, bakit ka napatawag ng ganitong oras? May problema ba?] Parang pilit nya lang nilalabanan yung antok nya, medyo nakonsensya tuloy ako.

"Ano kasi- ano, tatanungin lang sana kita kung- kung may aaminin ka na ba sa akin ngayon?" Nahihiya kong sabi. Nasaan na yung galit ko sa kanya kanina? Bakit nahihiya ako ngayon?

[Ano?! Tumawag ka at nang gising ng ganitong oras para tanungin na naman ako nyan? Ano bang nangyayari sayo?!] Ouch! Nilayo ko ng bahagya yung cellphone sa tenga ko. Aba't, sya pa ang may ganang manigaw ngayon? Nagsalubong na naman tuloy ang kilay ko at biglang bumalik ang galit na nararamdaman ko kanina.

"So wala ka talagang balak na umamin sa akin tungkol sa relasyon nyo ni Nikki?!" Halos lumabas na lahat ng ugat ko sa leeg.

[What?! Anong relasyon ang sinasabi mo?] Oh bakit parang gulat na gulat sya? Hindi nya siguro ineexpect na malalaman ko.

"Wag mo nga akong mawhat- what dyan! What- whatin ko mukha mo eh! Akala ko pinagkakatiwalaan mo ako kasi magkaibigan tayo, yun pala hindi! Bwisit ka!"

[Friendship ano bang~]

Binabaan ko na sya. Ayoko ng marinig ang mga dahilan nya dahil sigurado akong hindi nya rin sasabihin sa akin yung totoo.

*sigh*

Nakakainis! Imbis na kumalma, lalo pa akong nainis. Haist.. kailangan ko ng ice cream. Tama! Yun ang makakapagpakalma sa akin.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon