XXII: Exchange Gift

97 28 13
                                    

Erza's POV

December 23..

Maaga kaming gumising dahil ngayon ang alis nila Mama at Papa papuntang cebu--sa bahay ni Lola. Matapos naming  mag almusal, umalis na rin sila Mama. Binigyan nila ako ng pera pang gastos ko dahil sa december 27 pa sila uuwi. Mag-isa nalang ako ngayon dito sa bahay.

"Hay, nakakabagot naman. Ano kayang pwede kong gawin?" Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng TV. Wala na kaming pasok ngayon, christmas break na kasi. Naglilipat ako ng channel at naghahanap ng magandang papanoorin nung may maalala ako. 

"Gosh! Oo nga pala, wala po akong regalo dun sa nabunot ko!" Dali-dali akong umakyat sa kwarto at naligo. Pagkabihis ko, pumunta na ako sa mall.

Kinabukasan..

Naglalakad na ako papunta sa bahay nila OKA, bitbit ang mga regalo ko sa kanila. Oo, tama kayo ng basa hindi lang 'yung nabunot ko 'yung binilhan ko, lahat sila binilhan ko. Pasasalamat ko na rin dahil naging mabait ang pakikitungo nila sa akin.

Pag dating ko ang daming tao na kumakain sa karinderya, alas otso na rin kasi ng gabi. Napansin ako agad ni Nay Baby. "Nandiyan ka na pala, Erza. Kumain ka na ba? Pumasok ka na sa loob doon ka na kumain. Masyadong madaming tao dito sa labas." Abalang abala si Nay Baby sa pag aasikaso sa mga kostumer.

"Mamaya na po ako kakain Nay. Busog pa po ako. Ipapasok ko po muna 'tong mga dala ko tapos tutulungan ko po kayo dito." Sabi ko. "Ikaw ang bahala, hija." Sagot ni Nay Baby.

Pumasok na nga ako sa loob. Naabutan ko si Luffin sa sala na abala sa paglalagay ng mga candy at barya sa palayok. "Para saan 'yan?" Nilapitan ko siya para tignan 'yung ginagawa niya. Tinignan niya ako. "Ikaw pala, Erza. Ito ba? Para sa palaro 'to mamaya." Sagot niya. "Ah. Okay. Nga pala, saan ko ba pwedeng ilagay 'tong mga regalo ko?" Bumalik na siya sa ginagawa niya.

"Doon sa ilalim ng christmas tree. Nandoon na rin 'yung iba pang mga regalo." Sagot ni Luffin.

"Sige, salamat." Nagpunta na ako sa christmas tree at inilagay 'yung mga regalo. Lumabas na rin ako kaagad para tumulong sa karinderya. Lumapit ako kay Nay Baby. "Nay, ano pong maitutulong ko?" Tanong ko. "Sigurado ka bang ayos lang na tumulong ka dito? Baka mapagod ka." -Nay Baby.

"Okay lang po, Nay. Walang problema." -Sagot ko.

"Osiya sige, pakiligpit mo na lang 'yung mga plato na pinagkainan nung mga umalis na kostumer." Tinutukoy ni Nay Baby 'yung mga mesa na inalisan ng mga kostumer.

"Sige po, Nay." At nagsimula na akong mag ligpit.

Maya't maya akong nakakarinig ng tao na nagpapasalamat kay Nay Baby. Oo nga pala, libre nga pala lahat ng tinda ngayon ni Nay Baby. Ang bait talaga niya. Binitbit ko na 'yung mga nasamsam kong plato papunta sa kusina. Naabutan ko si OKA na madaming hinuhugasang mga plato. Nilagay ko sa tabi niya 'yung mga bitbit ko.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon