VII: Flashback pa MORE

266 60 35
                                    

Erza POV

"Baby boy eto oh tikman mo, masarap 'to promise." Malakas 'kong sabi kay baby boy este OKA pala habang tinatapat ang isang kutsarang ice cream sa bibig niya.

"Uhm.. Masharap nga baby girl." Sabi ni OKA na puno pa ang bibig sa ice cream na sinubo ko.

Napansin 'kong may amos siya sa gilid ng labi niya. "Baby boy may amos ka. Wait, punasan ko." Sabi ko at kumuha ako ng tissue at pinahid ang amos niya.

"Thank you, baby girl. Ang sweet mo talaga." Sabi ni OKA at pinisil pa ang pisngi ko.

Mukhang nanggigil talaga si OKA at napadiin ang pagpisil niya sa pisngi ko. Pinandilatan ko siya ng mata kaya agad niyang tinanggal yung kamay niya sa pisngi ko.

Hinimas himas ko yung pisngi 'kong nasaktan at ngumiti ng peke kay OKA.

Mula sa upuan sa harap ko, lumipat si OKA sa katabi 'kong upuan at inakbayan ako. Medyo na ilang ako sa ginawa niya.

"Ano ba yan! Masyado naman silang PDA!"

"Oo nga! Akala siguro nila nasa luneta sila."

Rinig 'kong usapan ng dalawang babae na nasa di kalayuang table samin. Lalo tuloy akong nailang.

Pasimple 'kong inilibot ang paningin ko sa paligid at nakitang halos nasa amin na ang atensyon ng lahat. Siniko ko si OKA at sinenyasan na tanggalin yung kamay niya sa balikat ko.

Nagets naman agad ni OKA kaya tinanggal na niya yung kamay niya.

Alam 'kong naguguluhan kayo kung anong nangyayari kaya ipapaliwanag ko na muna. Kasalukuyan kaming nasa school cafeteria at isinasagawa ang "Oplan Revenge" Kung naguguluhan parin kayo, problema niyo na yun! Dejoke lang. Hmm.. Ganito kasi yun..

Flashback..

Kagabi sa karinderya..

"Eto na po yung order niyo ma'am." Naputol ang malalim 'kong pag iisip at nilingon yung nag salita.

"Friendship!?"

"OKA!?"

Parehong nanlaki na naman ang mata namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay OKA.

"Dito kaya ako nakatira, at karinderya namin 'to no!" Sagot niya habang umuupo sa bakanteng upuan sa gilid ko.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong niya sakin.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon