OKA's POV
"IKAW!?" Sabay namin sabi ni... Fishball girl!
"Oh jusko! Ganito po ba ako kasama at sabay-sabay kayo kung magbigay sa akin ng sama ng loob?" Sabi ni Fishball girl na nasapo ang noo niya.
"Ang OA mo naman diyan. As if naman ng ginusto 'kong makatabi ka 'no!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Nag bell na at indikasyon ito na breaktime na. Dali-daling tumayo si Fishball girl at patakbong lumabas ng room.
Anung problema nun? Ngayon lang ba siya nagkaroon ng ubod ng gwapong seatmate? Itay! Minsasn ang hirap din maging perperktong katulad ko.
Cafeteria..
Pawisan ako na nakatayo sa pintuan ng cafeteria.
"Sa wakas nahanap din kita!" Sabi ko sa sarili ko dahil 20 mins. 'kong hinanap 'tong lecheng cafeteria na 'to.
Pumasok na ako at nanlumo ng makitang wala ng bakanteng mesa. Napag desisyonan 'kong sa field nalang kumain at tumambay. May baon naman akong pagkain kaya hindi kona kailangan pang makipagsiksikan sa pila.
Nung palabas na ako ay nakita ko si Fishball girl na mag isa at mukhang malaki ang problema. Nilapitan ko siya at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Nang maramadaman niya ang presensya ko ay natauhan siya mula sa malalim na pag iisip.
"Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagbigay sayo ng permisong umupo diyan? Umalis kana nga!" Sigaw niya sa akin.
"Wag ka ngang magalit diyan! Wala naman akong ginagawa sayong masama, ah?" Sigaw ko rin sa kanaya.
"Wag mo akong masigaw-sigawan diyan! Nananahimik ako dito kanina tas sumulpot ka na naman bigla! Katulad nung ginawa mo sa mall. Layuan mo nga ako dahil mukhang puroi kamalasan lang ang dala mo sa akin!" Nanlilisik na ang mga mata niya.
"Ouch! Grabe ka naman. Nakakasakit kana ng puso't damdamin. Hindi naman kita ginugulo eh. Nakita lang kasi kita na parang malungkot kaya naisip ko na lapitan ka baka kasi kailangan mo ng kaibigan na maiiyakan, eh." Nakahawak pa ako sa dibdib ko niyang para epektibo. Haha.
"Che! Wag mo nga akong dramahan. Wala akong problema at higit sa lahat, hindi ko kailangan ng kaibigan!" Sigaw parin niya.
Grabe naman 'tong babae na 'to! Napaka eskandalosa. Nakatingin na tuloy samin yung ibang tao dito sa cafeteria.
"Pwede ba hinaan mo nga yan boses mo!? Chill. Relax! Nandito lang kaya ako sa harap mo hindi mo na kailangang sumigaw. Nakakahiya na, eh." Tinakpan ko nga yung bibig niya. Napatingin din siya sa paligid at nakita niya na nakatingin na nga samin yung ibang tao.
Nakaramdam siguro sita ng hiya kaya medyo huminahon na siya. Tinggal ko na yung kamay ko sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"