XXI: Bunutan

123 28 11
                                    

Erza's POV

Wala akong nadatnang tao sa sala pagdating ko dito sa bahay. Tulog na siguro si Mama at Papa. Dahil pagod na rin ako, dumiretso na ako sa kwarto. Agad na akong nahiga sa kama ko. Hayst.. grabe, sobrang haba ng araw na 'to. Muntik na talaga akong mamatay kanina mabuti na lang dumating si Luffin.

Ano nga bang nangyari sa akin kanina? Gusto nyong malaman?

Flashback.

Enjoy na enjoy ako sa paglangoy dahil wala akong kasama dito sa pool, mag-isa lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pool nung makaramdam ako ng pulikat. Hindi ko maikampay ng maayos yung kanang binti ko dahil sa sakit kaya hindi na ako makalangoy. Nagpanic na ako dahil 10 feet ang lalim nitong pool. Nagsimula na akong humingi ng tulong dahil kinakapos na rin ako ng hininga.

Maya-maya nakita ko si OKA, may sinasabi sya pero hindi ko maintindihan. Naghagis sya ng salbabida pero sobrang layo sa pwesto ko kaya hindi rin nakatulong. Nalublob ako sa tubig at pag-ahon ko, nakita ko si OKA na tumatakbo paalis. Hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay.

Mukha ni Luffin ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata, agad nya akong niyakap. Sya siguro ang nagligtas sa akin. Tinanong nya ako kung ayos lang ba ako, tango lang ang naisagot ko sa kanya dahil shock pa rin ako. Gumanti ako ng yakap kay Luffin nung mahimasmasan ako at nagpasalamat sa kanya. Utang ko kay Luffin ang buhay ko.

End of Flashback.

Ipapahinga ko na ang katawang lupa ko, maaga pa akong gigising bukas kasi may pasok sa school.

Goodnight guys! Zzz...

***

"Erza, kumusta nga pala yung outing nyo kahapon? Hindi ka na namin nahintay ng Papa mo kagabi, pagod kasi si Papa mo." Tanong sa akin ni Mama. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal. Hindi namin kasabay si Papa, maaga kasi syang umaalis.

"Ayos naman po Ma, nag-enjoy po kami." Hindi ko na sinabi kay Mama yung nangyari sa akin dahil mag-aalala lang sya.

"Mabuti naman kung ganun. Nagustuhan ba nila OKA yung resort ni Mr. Empi?" Mama

"Opo Ma, nagandahan po talaga sila." Ako

"Sayang nga lang dahil hindi kami nakasama ng Papa mo. Gusto ko rin sana makilala ang pamilya ni OKA." Mama

"Naku Ma, sigurado po akong magkakasundo kayo ng Inay ni OKA. Napaka bait po nun katulad nyo." Ako

"Nang-bola ka pang bata ka. Osya, bilisan mo na dyan at baka mahuli ka pa sa klase mo." Mama

"Opo, heto tapos na po ako." Tumayo na ako at kinuha yung bag ko na nakapatong sa bakanteng upuan. "Alis na po ako Ma." Lumapit ako at humalik sa pisngi ni Mama. Tumayo na rin si Mama at inihatid ako sa pinto.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon