XXIII: Bracelet

122 27 14
                                    

OKA's POV

Halos isang oras na akong naghahalungkat dito sa kwarto ko. Tinitignan ko kasi kung may natatago ba akong pera sa sulok-sulok nitong kwarto. Bakit ko kailangan ng pera? Balak ko kasing bigyan ng regalo si Nanay, Precila, Luffin at Erza para makabawi dun sa ginawa ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nila ako pinapansin eh. New year's eve na mamaya pero dedma pa rin ako sa kanila. Ayoko naman simulan ang taon na galit sa akin ang mga taong malalapit sa akin, ang saklap naman kasi nun.

"Haist, kainis naman! 463 pesos lang ang nakuha kong pera dito sa kwarto, pati alkansya ko nabutas ko na rin. Magkakasya ba 'to para sa apat na regalo? Ang malas ko naman! Bakit ba kasi ang gastos ko? Yan tuloy wala akong naiipon, BADTRIP!" Napaupo ako sa kama ko out of fraustration. 'Di ko na alam ang gagawin ko. Kainis naman oh! Bahala na nga, pagkakasyahin ko na lang 'to.

Makapagbihis na nga para makapunta na ako sa tiangge. Oo sa tiangge lang ako pupunta. Anong akala nyo sa mall? Hello? OK lang kayo? Sa tingin nyo magkakasya yung 463 pesos ko kung sa mall pa ako bibili ng pang regalo? Mag-isip nga kayo! Ayst, dinadagdagan nyo pa yung stress ko eh. Dyan na nga kayo, hmpf!

Erza's POV

Abala si Mama sa kusina, naghahanda sya ng kakainin namin mamaya. Ako naman, heto at nakatunganga sa harap ng T.V. Nanunuod ako ng New year's concert ng isang local TV station. Hay, ang boring talaga dito sa bahay. Kung hindi lang talaga ako galit kay OKA malamang niyaya ko na si Mama at Papa na doon magbagong taon.

"Oo nga pala Erza, kunin mo bukas yung tarpaulin na pinagawa ko para sa birthday mo. Nakalimutan ko kasing daanan kanina eh." Sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Opo Ma." Oo nga pala, debut ko na sa isang araw. Ayos na naman ang lahat, naplano na namin nila Mama. Hindi naman ganun kagarbo yung party ko, dito lang gaganapin sa bahay.

"Anak, nasabi mo na ba kay OKA na sya ang escort mo?" Shocks! Oo nga pala, si OKA dapat ang escort ko. Pero paano yun? Hindi ko pa nasasabi sa kanya, hindi ko pa rin kasi sya pinapansin eh.

"Ma, pwede po bang si Papa na lang ang escort ko?" Tama, si Papa na nga lang.

"Hindi pwede anak, si Papa mo ang escort ko. Hahayaan mo ba na mag-isa ako at magmukmok sa isang sulok sa party mo?" Aww, oo nga pala. Paano na ngayon? Hindi kasi alam ni Mama na hindi ko pinapansin si OKA eh.

"Erza, anak. Sabihin mo nga sa akin, may problema ba kayo ni OKA?" 'Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mama.

"Wala po Ma."Pagtanggi ko. Paano kasi nalaman ni Mama na may problema kami ni OKA? Mother's instinct siguro?

"Hay nako anak, hindi ka talaga magaling magsinungaling. Halatang-halata na kita kaya sabihin mo na kung anong problema." Wala talaga akong maitatago dito kay Mama. Wala na nga akong nagawa, kinuwento ko na yung nangyari.

"Hahaha, may pagkamaloko rin pala yung si OKA ano? Hahaha." Yan ang naging reaksyon ni Mama matapos kong ikwento yung nangyari. Tawa sya ng tawa. Ano bang nakakatawa sa kinuwento ko? May sayad na yata 'tong Mama ko. →_→

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon