XIV: Luffin Malufet

174 46 20
                                    

OKA's POV

Sabado ngayon at walang pasok sa school. Maaga kameng gumising para harapin yung mga aplikante para sa helper na hinahanap namin. Ngayon kasi namin sila pinabalik para ma-interview.

Kasalukuyan kameng nagaalmusal nila Inay at Precila.

"Good morning! Late na ba ako?" Biglang sumulpot si Erza.

"Uy, friendship! Tara, samahan mo na kame dito sa pagaalmusal." Yaya ko kay Erza.

"Sige ba! Anong niluto ni Nanay Baby ngayon?" Umupo na sya sa mesa.

"Nagsangag ako Erza, nagluto din ako ng tocino at hotdog. Kain kana, masarap yan." Si Inay ang sumagot.

"Wait lang Erza, ikukuha kita ng plato." Tumayo na ako at kumuha ng kubyertos. Pagbalik ko, nagpatuloy na kame sa pagkain.

"Hmm.. ang sarap talaga ng luto nyo Nanay Baby! Pwede nyo po ba akong ampunin? Puhlease?" Nagpuppy eyes pa si Erza. Natawa naman kame sa ginawa nya.

"Ikaw talaga hija, masyado kang bolera. Talagang masarap akong magluto, wala ng bago dun. Hahaha." Napa-poker face kame nila Erza at Precila dahil sa sinabi ni Inay.

Matapos ang medyo mahangin naming almusal, lumabas na kame para harapin yung mga aplikante. Apat na tao ang naabutan namin na naghihintay sa labas; tatlong babae at isang lalaki. Teka, parang pamilyar sakin ang isang 'to. Saan ko nga ba nakita ang lalaking 'to?

Napatingin din sakin yung lalaki. Parang nataranta sya nung makita ako. Hindi ko na lang pinansin.

"Good morning sa inyo! Ako nga pala si Mrs. Baby Agnat, pero Tita Baby na lang ang itawag nyo sakin. Ako ang may-ari ng karinderya." Speech ni Inay.

"Good morning po Tita Baby." Sabay-sabay na bati nung apat.

"Maupo muna kayo. Isa-isa ko kayong tatawagin para interview-hin." Sabi ko. "Ibigay nyo sakin yung mga resume nyo." Pagpapatuloy ko.

Matapos kong makuha yung mga resume nila, pumasok na kame sa sala. Isa-isa namin silang kinausap, pinaka huli yung nagiisang lalaking aplikante.

"Luffin Malufet pala ang pangalan mo, unique ng name mo ha." Bungad ko dun sa lalaki.

Hindi ko mawari yung itsura nya. Parang kinakabahan na naiihi na natatae na ewan. Teka, tama! Sya yung lalaki sa kubo.

"Diba ikaw yung lalaki sa kubo ko nung nakaraan?" Tanong ko.

"Patay, nakilala nya ako." Rinig kong bulong nya.

Nagulat kaming lahat ng bigla syang lumuhod at nagmakaawa.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon