OKA's POV
"Nakuha ko na yung salbabida. Tara, alis na tayo." Pumasok na ako sa van.
"Ang tagal mo naman kuya, akala namin natabunan ka na ng salbabida." Nagsungit na naman ang magaling kong kapatid. T.T
"Hinanap ko pa kasi yung paborito kong salbabida eh." Tumingin ako kay Erza na nakaupo sa unahan, katabi ng driver. "Friendship, gusto mo bang makita yung salbabida ko? Wait kunin ko lang." Kinuha ko yung bag ko at hinanap yung salbabida. Nasaan na ba yun?
"Sandali Kuya, paborito mong salbabida ba kamo? Oh my! Wag mong sabihing~" Hindi na natuloy ni Precila yung sinasabi nya.
"Heto nakita ko na!" Nilabas ko na yung salbabida ko. "Charan! Ang cute diba?" Proud na proud kong sabi.
Tinignan ko isa-isa lahat ng kasama ko, naka-poker face silang lahat.
"Anong problema nyo? Cute naman diba? Sya nga pala si Barneythe salbabida!" Tinignan ko ulit sila.
Si Erza naglagay ng earphone sabay pikit. Si Precila naman napa face palm. Bumalik naman si Inay sa pagbabasa ng pocket book. Huli kong tinignan si Luffin, pulang pula yung mukha nya at tila nagpipigil ng tawa. Tinignan ko na lang ulit si Barney the salbabida.
"Wag mo na lang sila pansinin Barney, kahit ayaw nila sayo love na love naman kita." Niyakap ko ang paborito kong salbabida.
Mamaya ko na sya lalagyan ng hangin. Naexcite tuloy ako lalo. Tinabi ko na sya ulit sa bag ko.
Erza's POV
"Nandito na tayo!" Sa wakas nakarating din kami dito sa resort ni Mr. Empi, kumpare ni Papa na medyo lasinggero. Ako ang nagsuggest na dito na kami magpunta dahil makakadiscount kami dito dahil nga kumpare ni Papa yung may-ari. Ako rin ang umarkila sa van na gamit namin, binigyan kasi ako ng pera ni Mama nung sinabi ko sa kanya na may outing kami. Gusto ko nga sana na isama sila Mama at Papa kaso lang busy si Papa, si Mama naman inatake ng hika nya. Hayst..
"Hoy friendship! Ano, wala kang balak bumaba dyan? Nababa na namin lahat ng gamit. Ipapark na ni Manong Eddie yung sasakyan, bumaba ka na dyan!" Nakababa na sila? Hindi ko namalayan, nag-hang na naman pala ang utak ko.
"Heto na, bababa na. Excited ka naman masyado!"Bumaba naako. "Manong Eddie pagkapark nyo po sumunod na lang kayo sa loob." Itinuro ko kay manong yung direksyon kung nasaan yung cottage namin.
"Sige hija susunod ako." Nginitian ko na lang si Manong Eddie.
"Friendship bilisan mo, pasok na tayo." Nagtatakbo na si OKA papasok ng resort. Parang bata talaga ang isang yun. Naalala ko na naman tuloy yung Barney na salbabida nya. Grabe, college na ba talaga sya? Tss..
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"