XVIII: Peace na tayo, Pakopya ha

150 36 19
                                    

OKA's POV

Kringgg!

Breaktime na.

"Friendship sabay na tayong~" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil biglang tumayo at lumabas ng room si Erza.

Kanina ko pa gustong linawin yung sinasabi nyang relasyon daw namin ni Nikki pero dinededma nya lang ako kaya hindi ko tuloy masabi yung totoo.

Hay.. saan ba kasi nya nakuha yung chismis na yun? Mabuti sana kung totoo yun pero hindi naman eh T.T

Nililigpit ko yung mga gamit ko ng may magsalita. "OKA pupunta ka ba ng cafeteria?" Pagtingin ko, nakita ko si Nikki na nakatayo sa harapan ko.

"Ikaw pala Nikki, oo pupunta ako nililigpit ko lang 'tong mga gamit ko." Sagot ko.

"Sige hintayin na kita, sabay na tayo." Sabi nya.

"Okay, sige wait lang." Nagmadali na akong magligpit. "Tara na Nikki." Tumayo na ako. "Sige." Naglakad na kami palabas ng room.

"Oo nga pala, bakit hindi mo kasabay si Conan?" Tanong ko. Nakakapagtaka kasi na hindi sila magkasabay ngayon eh. Tsaka napansin ko na hindi rin sila magkatabi kanina sa room. Siguro magkaaway pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi nya ako sinagot at nginitian nya lang ako ng matamlay. Pipi na ba sya ngayon? Psh.

Dumiretso na kami sa cafeteria. Pagkapasok namin, nakita ko agad si Erza na nakaupo sa pang-apatan na mesa. Tinignan ko si Nikki.

"Ahm Nikki, OK lang ba kung maki-table tayo kay Erza?" Tinuro ko sa kanya yung kinaroroonan ni Erza.

"Oo naman, walang problema sa akin." Nginitian nya ako. Ang cute nya talaga, hihihi. *^▁^*

"Hehe salamat, tara lapitan na natin sya." Yaya ko. Lumapit na nga kami kay Erza.

"Friendship, pwede ba kaming maki-table ni Nikki sayo?" Tanong ko kay Erza, hindi nya kasi kami nakita agad.

Lumingon sya sa amin at nanlaki ang mata nya. "Sinasabi ko na nga ba eh, tama ang hinala ko." Dinuro-duro pa nya ako.

"Friendship hindi, mali ang iniisip~" Naputol ang sinasabi ko dahil may nagsalita sa likuran ko. Bakit ba lagi nalang nauudlot yung dialogue ko? -_-

"Erza walang spaghetti kaya carbonara ang inorder ko para sayo. OK na ba 'to?" Paglingon ko, nakita ko si Conan na may dalang tray na puno ng pagkain.

"Wag kang magalala, paborito ko rin naman yan eh." Nakangiting sagot ni Erza.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon