OKA's POV
Vacant hour namin, kaya heto kami ni Erza, nakatambay sa field habang kumakain ng mga chips.
Medyo konti nalang ang mga tao dito sa field kasi tapos na yung praktis ng varsity team ng soccer. Madami kasi lagi ang tao dito pag may praktis ng soccer, mga fan girls nila.
Psh. Ewan ko ba sa mga babae dito sa school, masyado nilang hinahangaan yung mga player na yun. Eh sa soccer lang naman sila magaling, bukod dun, wala na. Dapat yung mga katulad ko ang hinahangaan nila. Tulad ko na mabait, matalino, gwapo at talented.
Ha? Tinatanong nyo kung anong talent ko? Hmm.. ano nga ba? Uhm.. ano~ magaling ako sa ano~ dun sa.. ah basta! Talented ako, period! Wag na kayong magulo dyan, hmp!
"Hoy OKA! Nakikinig ka ba? Nakatulala ka na dyan!" Nasa harap ko na si Erza at nakapamewang.
"Ha? Ano yun? May sinasabi ka ba?" Inosente kong tanong.
"Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig." Reklamo ni Erza. Umupo na ulit sya sa tabi ko.
"Sorry na friendship, ano ba yung sinasabi mo?" Tanong ko ulit. Binuksan ko yung huling chips na may laman at kinain.
"Ang sabi ko, mamasyal naman tayo nila Nanay Baby sa darating na sabado. Kahit simpleng picnic lang sa park o sa tabing ilog ayos na yun, para naman malibang si Nanay Baby." Suwestiyon ni Erza. Kumuha sya sa chips na hawak ko at isinubo.
"Magandang idea yan friendship. Sige, sasabihin ko kay Inay yan para makapagplano tayo." Sagot ko. Kukuha sana ulit ako ng chips pero wala na akong nakuha. Paglingon ko kay Erza, namumualan sya sa dami ng laman ng bibig nya.
"Grabe ka naman friendship! Hindi mo man lang ako tinirhan. Ang takaw mo talaga!" Reklamo ko. Nilunok muna ni Erza yung nginunguya nya bago sumagot.
"Bumili ka nalang ulit OKA, gutom pa kasi ako eh." Erza
"Psh. Ang laki naman ng bituka mo, ang dami mo ng nakain tapos gutom ka pa rin?! Kawawa sayo!" Singhal ko.
"Sige na, bumili ka nalang. Dami mo pang sinasabi eh!" Itinulak ako ni Erza patayo, sadista talaga sya kahit kailan.
-_-
"Heto na, bibili na. Hindi mo na ako kailangan itulak, amazona ka talaga!" Naglakad na ako paalis.
"Damihan mo ha, samahan mo na din ng konting bilis!" Pahabol na sigaw ni Erza.
Nilingon ko sya at sinimangutan. Tsk, pasalamat talaga sya dahil mabait ako, kung hindi, nakow! Ewan ko nalang.
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"