I: Sino si OKA?

555 71 65
                                    

OKA's POV

"MALI! Kung ginawa nalang sanang legal ang drugs sa pilipinas e'di sana hindi na sila nagpapakahirap pang hulihin ang mga gumagamit nito 'di ba? E, kung sana tinaasan nalang nila ang presyo at buwis para dito e'di sana wala o kokonti lang ang makakagamit nito. Tignan niyo ah. Nasusugpo ba nila ang mga gumagamit nito? Hindi naman 'di ba? Katunayan nga mas lalong dumadami ang nalululong sa ipinagbabawal na gamot at ang pinaka ikinababahala ko ay pabata ng pabata ang gumagamit nito. Kaya sige ipaliwanag niyo nga sakin bakit hindi nalang gawing legal ang drugs sa pilipinas? Sa tingin niyo makakagamit pa ba ang mga kabataan nito kung sakaling maging legal ito at taasan ang buwis para dito? Hindi na 'di ba?" Speech ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit at anong nangyayari ngayon ay ganito. 

Nagkaroon kasi ng debate dito sa isang subject namin tungkol sa ipinagbabawal na gamot. Pinatayo sa kaliwang side ang mga disagree at agree naman sa kabilang side. Ang tumayo para sa disagree ay sampung tao at ang tumayo naman para sa agree ay isa lamang. Oo, isa lang at ako yun.

Natahimik naman silang lahat dahil sa sinabi ko. Pero maya-maya lamang ay nagtawanan na agad sila.

"Talaga bang ganyan ang iniisip mo ha, OKA? Oo, may point ka nga pero kahit ano pang sabihin mo. Wala pa ring magandang maidudulot ang mga sinabi mo." Sabi sa'kin ng prof naming si Prof Samuel.

Hindi nalang ako sumagot at umupo na lang.

"Kung ganun ang Team disagree ang nanalo. 100 kayong lahat para sa recitation." -Prof Samuel

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"Para naman sayo, OKA. Dahil sa nag participate ka ay makakakuha ka ng plus sa recitation. 'Yun lang. Class dismiss." 

Ayan buti naman uwian na. 

Oo nga pala ako si OKA Agnat. First year college na ako at kumukuha ng kursong education sa Unibersidad ng Antipolo. Ang paaralang ito ay para lang sa mga lalaki. Wala nga akong kaibigan dito sa school eh. Kasi palagi nilang sinasabi na mayabang daw ako, na bilib na bilib daw ako sa sarili ko, na gusto ko daw ako ang laging magaling, na ako daw ang laging may alam at marami pang iba.

Anong magagawa ko? Ganto ako e.

Gusto ko palaging iba ako. Taliwas sa mga nakagawiang mga bagay, kung baga kontrapelo palagi. Madalas sinasabi nila na tanga daw ako pero hindi ko nalang sila pinapansin bagkus ay pinagpapatuloy ko pa rin ang mga bagay na gusto kong gawin.

"Psh. Masyado kasing pabida palagi eh. Ayan tuloy napapala." Narinig kong sabi ng isa kong classmate.

"Oo nga. Akala mo lagi siyang magaling. Agnat naman." Sabi pa ng isa kong classmate.

Ano bang meron sa apelyido ko? Lagi nalang nilang sinasabing Agnat naman daw ako. Ang gulo. Ah ewan!

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon