XV: Ako Ay Nabihag Mo

181 39 20
                                    

Erza's POV

"Friendship, bakit 'di mo ginagalaw 'yang ube halaya? Masarap yan! Si Inay ang may gawa nyan." Napansin pala ni OKA na hindi ko ginagalaw yung dessert namin. Busy kasi ako sa pagmamasid sa mga kilos ni Luffin. Duda parin kasi ako kung mapagkakatiwalaan ba talaga sya.

"Hay nako friendship, tigilan mo na nga ang pagdududa kay Luffin. Mahigit isang linggo na sya dito samin at nakita ko na mabait talaga syang tao." Pangungumbinsi ni OKA.

"Masisisi mo ba ako kung magduda ako sa kanya? Gusto ko lang naman na masiguro na ligtas kayo sa kanya eh, lalo na si Nanay Baby." Sagot ko kay OKA.

Tinigil muna ni OKA ang pagkain, tumingin din sya kay Luffin na ngayon ay magiliw na inaasikaso ang mga kostumer dito sa karinderya.

"Tignan mo si Luffin, halata naman na mabait talaga sya diba? Simula nung tanggapin namin sya dito, araw-araw ka na rin tumatambay dito para obserbahan ang mga kilos nya pero may nakita ka bang masama sa kanya? Wala naman di ba? Teka, tawagin ko sya. Hindi pa nga pala kayo pormal na nagpapakilala sa isa't isa." Kinawayan ni OKA si Luffin at sinenyasan ito na lumapit samin. Hindi ko na sya napigilan. Haist.. pasaway talaga!

--

Luffin's POV

"Enjoy your meal sir!" Masaya kong sabi sa kostumer na pinagsilbihan ko.

Mahigit isang linggo na ako dito sa karinderya at 'di ko pinagsisisihan na dito ako napunta dahil sobrang bait nila Nanay Baby at OKA sa'kin. Medyo masungit nga lang si Precila pero kailangan kong makisama dahil nakikitira lang ako dito.

Nga pala, hindi nyo pa ako kilala. Luffin Malufet ang pangalan ko. Ako'y labing pitong taong gulang pa lamang.

Sa mga nag-iisip dyan na masama ako, pwes sinasabi ko sa inyo na mali kayo. ^_^

Mabait po akong tao, masiyahin, pala-kaibigan at may takot sa diyos. Hindi po ako gwapo, ang sabi nila may pagka-nerdy daw ang looks ko. Siguro dahil sa makapal na salamin ko sa mata. Maaga kasing lumabo ang mata ko dahil sa sobrang pag-aaral.

Hindi naman sa pagmamayabang pero ipagmamayabang ko na rin, valedictorian po ako noong elementary at high school. Dean's lister din ako ngayong college kaya lang, kinailangan kong tumigil sa pag-aaral dahil sa pinalayas nga ako samin. Nakakalungkot talaga.

╮(╯_╰)╭

Ayan, medyo kilala nyo na ako. Balik na muna ako sa trabaho ha, baka mapagalitan pa ako, mahirap na.

Pabalik na sana ako sa kusina nung napatingin ako sa gawi ni OKA at nung babae na lagi nyang kasama. Alma ata ang pangalan nun, ah ewan.

Kinawayan ako ni OKA at sinenyasan na lumapit sa kanila, nakangiti naman akong tumango at lumapit sa kanila.

"May kailangan ba kayo, OKA?" Tanong ko kaagad pagkalapit ko sa kanila.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon