OKA's POV
"Nay, nandito na po ako." Matamlay 'kong sabi ng makarating akong bahay galing school.
Hindi kona nalaman kung sumagot pa si nanay dahil sa sobrang pre-occupied ang utak ko sa dami ng iniisp ko. Kaya pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong napabulagta sa paghiga.
"Arrrrgh! Hindi ko talaga matanggap na natapakan ang pagkatao ko kanina!" Sigaw ko ng ng maalala ko nanaman ang nangyari kanina.
Flashback..
Excited akong pumasok upang malaman ang resulta ng pagsusulit. Kasi alam ko at nasisiguro 'kong ako ang mag ta-top. Alam niyo naman sobrang talino ko diba? Muahaha. Atin-atin lang yun ha. Dahil baka masabihan nanaman akong assumero ng mga insecure 'kong classmates.
Pasipol-sipol pa akong pumasok ng room. Sakto naman na magka sunuran lang kaming pumasok ng prof namin.
"I have here the result of your final examination. Mr. Rodriquez, kindly distribute this test paper to your classmates."
Pagkarinig ko na sinabi yan ng prof namin ay agad na nagta-tamble sa excitement ang puso ko.
"Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga reaction ng mga classmate ko pag nalaman nila na ako ang nakakuha ng mataas na marka sa exams namin." Mahinang bulong ko na sinabayan ko pa ng pag ngisi.
Pagkatanggap ko ng test paper ko ay agad 'kong inipit ito sa notebook ko. Hindi nako nag abalang tignan pa ito dahil sigurado naman akong perfect iyon.
"Okay class. Since nasainyo na ang kanya-kanya niyong test paper ay gusto 'kong sabihin kung sino ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa exam niyo." Anunsyo ng prof namin.
Agad-agad 'kong inayos ang polo ko at sinuklay gamit ng daliri ang buhok ko para gwapong gwapo ako pag tinawag na ako.
"Palakpakan niyo ang ka-isa-isang nakakuha ng perfect score. Please stang up Mr..... Abellano!"
"Yes!" Sigaw ko sabay tayo.
"Yes, mr. Agnat? Any problem?" Tanong sakin ni Sir.
"Problem? Wala sir! Paano ako magkakaproblema eh kakasabi niyo lang na na-perfect ko ang exam. Sagot ko at humarap ako sa mga classmate 'kong tulala. Oh ano? Hindi ba kayo makapaniwalang na-perfect ko ang exam? Sabi ko naman sainyo eh. Ako ang pinakamatalino dito tapos--"
Naputol ang sinasabi ko dahil sa tawanan ng mga classmate ko.
"Bwahahaha! Whoa!"
"Agnat ka talaga kahit kailan!"
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"