IV: Baby Cadburry

325 60 60
                                    

OKA's POV

Tumayo na ako sa hapag kainan at nagpaalam.

"Nay, alis na po ako!" Sigaw ko

Sumilip si inay sa pintuan ng kusina at sumagot.

"Sige anak mag iingat ka." -Inay

"Opo!" 

Lumabas na ako at naglakad papuntang school para mag enroll. Naglakad nalang ako para makatipid sa pamasahe. 

Ang bilis talaga ng mga araw, tapos na agad ang sembreak. Wala naman nangyari nung sembreak. Tumulong lang ako sa karinderya at namasyal paminsan-minsan. May isang pangyayari lang nung sembreak na hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isip ko. Nung araw na naging balisa si inay...

Flashback..

"OKA! Samsamin mo nga yung mga pinag kainan nung tatlong kostumer na kakaalis lang!" Sigaw sakin ni inay.

"Opo nay!" Sigaw ko pabalik.

Lumabas na ako at sinamsam yung mga plato. Napatigil ako sa ginagawa ko nung may pumarada sa harap ng karinderya namin na magarang sasakyan. Lumabas sa sasakyan ang lalaking may edad na pero halatang may sinabi sa buhay.

Kumunot ang noo ko ng mapagtanto 'kong parang pamilyar yung mukha niya. Pero hindi ko maalala kung san ko siya nakita. Naputol yung pag iisip ko ng lumapit sakin yung lalaki.

"Excuse me, pwede bang magtanong?" Tanong sakin nung mama.

"Nagtatanong na po kaya kayo-er-I mean, sige po pwede po kayong magtanong." Sagot ko.

"Ah, may kilala ka bang Baby Cadburry?" -Manong

"Ahm, meron po pero Baby Cadburry Agnat na po ang pangalan niya ngayon. Dahil kasal na po sila ng ama ko na si Apen Agnat." Sagot ko.

"Kasal!? Anak ka niya!? May pamilya na pala siya!?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Easy lang po kayo. Bakit ba parang gulat na gulat po kayo? Eh ang tanda na naman po ng nanay ko kaya natural lang po na may pamilya na siya." Sagot ko na pabalang.

"Ehem! I'm sorry hijo. Wag mo nalang ako intindihin." Sabi pa niya.

"Sige po, wala pong problema. Teka lang po tawagin ko nalang po si inay para makapag usap na po kayo." 

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon