OKA's POV
"Precila, ihatid mo na si Inay sa taas." Binalingan ko si Inay. "Nay, magpahinga kana sa taas. Ako na po ang bahalang magligpit dito sa pinagkainan natin." Sabi ko kay Inay.
"Sige anak, pagpasensyahan nyo na ang nanay ha. Nakakapagpabigat pa ako sa inyo." Malumanay na sabi ni Inay.
"Nay naman, hindi po kayo pabigat. Wag nyo pong isipin yan." Hinawakan ko yung kamay ni Inay.
"Sige na Precila, iakyat mo na si Inay para makapagpahinga na sya. Ako na ang maghuhugas ng pinggan." Utos ko kay Precila.
"Sige kuya." Inalalayan na ni Precila sa paglalakad si Inay. Ako naman, nagsimula na magligpit ng pinagkainan namin.
Nailabas namin agad si Inay kanina. Kaya lang, gaya ng bilin ng doktor, kailangan nya ng pahinga. Kaya kailangan kong humanap ng trabaho para magkapera habang hindi pa kaya magtinda ni Inay. Sana lang makahanap agad ako ng mapapasukan. Haist..
Oo nga pala, wala pa akong resume. Magpapatulong na nga lang ako kay Erza gumawa. Tawagan ko na lang sya mamaya, tatapusin ko muna 'tong hugasin ko.
Pagtapos kong maghugas, tinawagan ko agad si Erza.
[Hello?] Sagot ni Erza. Teka, bakit parang ang lungkot ng boses nya?
"Friendship, umiiyak ka ba? May problema ba?" Nagaalala kong tanong.
[Huhuhu. OKA, iniwan na ako ng bestfriend ko. Umalis na sya. Huhuhu.] Humahagulgul na sya. Lalo tuloy akong nagalala.
"Teka, nasaan ka ba? Dyan ka lang pupuntahan kita." Nagpapanic na ako.
[Andito ako sa bahay.]
"Sige, papunta na ako dyan."
Pagkasabi ko nyan, binaba ko na yung telepono. Nagmadali na akong nagbihis at umalis.
Pagdating ko sa bahay ni Erza, agad na akong nagdoorbell. Si Tita Elsa ang nagbukas ng gate.
"Magandang gabi po Tita, nandyan po ba si Erza?" Tanong ko.
"Buti dumating ka OKA. Kanina pa nagkukulong si Erza sa kwarto nya. Halika pumasok ka, puntahan mo na sya." Binuksan ni Tita ng malaki yung gate para makapasok ako.
"Sige po Tita, salamat." Pagkasabi ko nyan, agad na akong tumakbo papasok ng bahay.
Nagtungo na ako sa 2nd floor ng bahay nila. Kaya lang natigilan ako nung mapagtanto ko na hindi ko nga pala alam kung saan ang kwarto ni Erza. (facepalm)
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"