XIII: Best Nanay

227 44 20
                                    

OKA's POV

"OKA anak, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Iniisip mo parin ba yung pagkakatanggal mo sa trabaho?" Tanong ni Inay.

"Ayos lang po ako Inay, wala lang po talaga akong gana." Sagot ko. "Sige po Nay, maghahanda na ako sa pagpasok sa school baka ma-late pa po ako." Tumayo na ako.

Magsasalita pa sana si Inay pero pinigilan sya ng kapatid ko.

"Sige na Kuya, umakyat ka na." Sabi ni Precila. Tumango ako at naglakad na.

Bagsak ang balikat at nakayuko akong umakyat sa kwarto ko. Nagbabasta ako ng damit na susuotin ko nung pumasok si Inay sa kwarto.

"Nay, may kailangan po ba kayo?" Huminto muna ako sa ginagawa ko.

"Anak, alam ko na dinadamdam mo pa rin ang nangyari sa trabaho mo. Wag mong sisihin ang sarili mo anak, hindi mo ginusto ang mangyari." Sabi ni Inay.

Niyakap ko si Inay at parang bata na umiyak.

"Sorry po Nay. Hindi ko pinagbuti ang trabaho ko kaya natanggal ako agad. Napaka walang silbi ko. Sorry po Nay kung binigo ko kayo ni Precila. Saan na tayo ngayon kukuha ng panggastos sa araw-araw? Yaan mo Nay, pipilitin ko ulit maghanap ng trabaho." Naiyak na talaga ako. Wala man lang akong nagawa. I'm such a disappointment!

Oy! Wag kayo, english yon! Wait lang kayo, magpapaburger ako mamaya. Wahahaha. Ay teka, drama pala dapat 'tong scene na 'to. Ang gulo nyo kasi eh.

"Ayos lang yon anak. Wag ka ng maghanap ng trabaho, magtitinda na lang ako ulit. Ayokong nakikita kang ganyan." Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Inay dahil sa sinabi nya.

"Hindi pwede Nay! Dapat nagpapahinga kayo, hindi ka pwedeng mapagod sabi ng doktor." Mariin kong pagtutol.

"Anak, dalawang linggo na akong puro pahinga. Sapat na siguro yon para bumalik ang lakas ko." Inay

"Pero Nay~" Tututol pa sana ako pero pinigilan ako ni Inay.

"Wag ka ng magalala anak. Sinisigurado ko sayo, kaya ko ng magtinda ulit. At isa pa, hinahanap na ng mga suki natin ang luto ko. Nagrereklamo na sila sakin, kaya payagan mo na akong magtinda." Mapilit talaga si Inay.

"Sige Nay papayag ako, sa isang kondisyon." Ako

"Ano yon anak?" Tanong ni Inay.

"Kukuha tayo ng makakatulong mo sa karinderya. Since pumapasok kame ni Precila, sa gabi lang namin kayo matutulungan. Kaya kukuha tayo ng taong makakatulong nyo kapag wala kame ni Precila dito sa bahay." Paliwanag ko.

"Sige anak, payag ako." Pag sang-ayon ni Inay.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon