XII: First and Last Day

200 47 26
                                    

OKA's POV

"Grabe! Hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon na mag-paliwanag. Hindi 'to makatarungan!" Sabi ko sa sarili ko.

Pauwi na ako galing sa trabaho ko. Unang araw ko ngayon sa trabaho pero huling araw ko na din pala. Hay.. Nayayamot talaga ako tuwing naaalala ko yung nangyari kanina.

Flashback..

Maaga akong nagising dahil excited na ako sa first day ko sa trabaho. Nakapasa ako sa interview nung nakaraang sabado kaya pinag-submit na nila ako ng requirements. Pagkapasa ko ng requirements, nagtraining pa ako ng tatlong araw bago tuluyang makapagsimula. After 1 week, eto na at magsisimula na ako sa trabaho.

"Good morning friendship!" Bungad ko kay Erza pagkapasok ko sa room.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon OKA ah." Sabi sakin ni Erza. Umupo na ako sa tabi nya.

"Oo friendship. Excited na kasi ako sa first day ko sa work mamaya eh." Sagot ko.

"Oo nga pala 'no, ngayon ang simula mo sa trabaho. Goodluck sayo OKA." Erza

"Salamat friendship." Dumating na yung prof namin at nagsimula na ang klase.

***

"Friendship, hindi ako makakasabay sayo sa paguwi ha. Alam mo naman na ngayon ang umpisa ko sa trabaho diba?" Sabi ko kay Erza matapos ang klase namin. Andito na kame sa labas ng school.

"OK lang OKA. Galingan mo sa trabaho ha. Ayusin mo yung pakikitungo mo sa mga magiging katrabaho mo. Bawasan mo yang kahanginan mo." Sagot ni Erza.

Grabe naman 'tong si friendship, hindi naman ako mahangin diba guys?

(Readers: Oo OKA, hindi ka nga mahangin dahil BAGYO ka!)

Ang harsh nyo naman sakin. =_=

"Oo friendship, gagalingan ko talaga. Sige na friendship, una na ako. Baka ma-late pa ako eh." Paalam ko.

"Sige OKA, ingat ha. Goodluck ulit. AJA!" With AJA hand gesture.

"Salamat friendship. AJA!" Lumakad na ako paalis.

Pagdating ko sa Mcdo, binigay sakin nung manager ko yung uniform ko. Pagkapalit ko, inorient muna ako ng konti tapos inassign na ako sa kitchen.

Habang ngtatrabaho ako, napansin kong kanina pa ako pinagmamasdan nung store manager namin. Pasimple kong kinulbit at binulungan yung katabi kong kasamahan.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon