X: Bye BFF; Get well soon Baby

210 51 24
                                    

Erza's POV

baby baby baby baby heaven sent you.. ♪

♪ maybe maybe maybe maybe we will meant to.. ♪

♪ be together be forever two little hearts go boom, bu-boom boom boom.. ♪

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko. Hindi ko magawang imulat yung mga mata ko dahil sa antok kaya kinapa ko nalang kung nasaan man yung phone ko.

"Hello?" Walang gana kong sabi sa kung sino man ang tumatawag sakin.

[Hoy, magaling na babae! Anong oras na nakahilata ka pa dyan?! Alas onse na!] Psh. Si Rhea lang pala.

"Sabado naman ngayon eh, wala akong pasok. Gusto ko pang matulog bff, mamaya ka na mang-istorbo."

[For your information bff, kanina pa po ako nandito sa sala nyo at kanina pa naghihintay sayo! Kaya bilisan mo na at bumangon kana dyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita paalis sa kama mo. Hihintayin kita dito sa baba. Kilos na, bilis!]

"Bumalik ka nalang mama~"

[toot.. toot..]

Tignan mo 'tong babaeng 'to, hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. Ano kayang problema ni Rhea at napasugod dito sa bahay?

(A/N: Sa mga hindi na matandaan si Rhea, sya po yung sale's lady sa mall na pinagalitan ng manager dahil kay OKA. See chapter III.)

Dahil no choice na ang inyong lingkod, bumangon na ako at naghilamos. Hindi na ako nag-toothbrush o kahit nagpalit man lang ng damit. Psh. 'Di ko na kailangang magayos, si Rhea lang naman ang bisita ko.

Bumaba na ako ng nakapantulog pa. Naabutan ko si Rhea na nakaupo sa sofa namin.

"Sa wakas, bumaba kana rin." Sabi ni Rhea pagkakita nya sakin.

"Anong masamang hangin naman ang nagdala sayo dito? At bakit bihis na bihis ka? Wala ka bang kalendaryo sa bahay? Bakit suot mo na yang pamasko mo, eh malayo pa naman ang pasko." Sunod-sunod na tanong ko kay Rhea. Sinamahan ko pa ng pang-aasar. Gumaganti lang ako sa kanya dahil sinira nya yung tulog ko.

"Gaga! Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi ka nanaman nakainom ng gamot no? Ayan tuloy sinusumpong ka nanaman ng kabaliwan mo." Ganting asar sakin ni Rhea. Wag na po kayong magtaka, ganyan talaga kame maglambingan. :)

"Siraulo! Bakit ka nga andito? May lakad ba tayo? Wala naman akong matandaan na may usapan tayo ah." Tanong ko.

"Magpapasama lang sana ako sayo bff." Sagot nya.

"Saan?" Nacurious naman ako bigla, hindi naman kasi mahilig bumisita dito samin yang si Rhea eh. Hmm... Mukhang importante yung pupuntahan namin ah.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon