OKA's POV
Monday. Pinakahihintay kong araw. Excited na ako dahil first day ko ngayon sa BirdBrain University. Sana makita ko na ngayon si Loveydoves ko. Hindi kasi ako pinalad na makita siya nung nag enroll ako eh. Osiya makapaghanda na nga baka ma-late pa ako first day ko pa naman.
After an hour..
Nakapag ayos na ako. Sinuot ko yung paborito kong polo at faded jeans. (Eto yung suot ko nung nag mall ako) Nilagyan ko narin ng gel yung buhok ko na hating gati sa gitna. (As usual T.T)
Sinukbit ko na yung bag ko at muling pinagmasdan ang kabuuan ko sa salamin bago ako tuluyang bumaba.
"Nay, alis na po ako!" Sigaw ko at mabilis na humalik kay inay sa pisngi.
"Mag almusal ka muna, anak. Maaga pa naman eh." Sabi ni inay.
"Hindi na po, nay. Sa school nalang po. Kailangan ko po kasing makarating sa school ng maaga eh." Sagot ko naman.
"Osige sige, anak. Ikaw ang bahala. Basta pag nakaramdam ka ng gutom kumain ka agad, ha. Wag kang magpapalipas ng gutom. Yung towel mo nadala mo ba? Ilagay mo yun sa likod mo para hindi ka matuyuan ng pawis. Maging mabait ka sa mga bago mong kaklase baka--" Pinutol ko na ang speech ni inay.
"Opo, nay. Araw-araw niyo na pong sinasabi sa akin yang litanya niyo." Sabi ko na naka poker face.
"Ikaw talagang bata ka! Nag aalala lang naman sayo ang inay." Sabi ni inay at abot sakin ng lunch box.
A/N: Lunch box? Elementary lang? HAHAHA! LOL xD
"Kainin mo yan pag nagutom ka, ha." Pagpapatuloy ni inay.
"O, siya lumakad kana." Sabi ni inay sabay tulak sa akin palabas ng bahay.
Grabe talaga 'to si inay, ipagtabuyan daw ba sarili niyang anak? T.T
Anyway, naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Malapit lang din naman ang BirdBrain University sa amin pero ayoko ma-haggard agad kaya sasakay ako.
Maya-maya pa nakarating na ako sa bago kong school. Pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng campus bago ako pumasok sa gate. Habang naglalakad ako sa corridor, maraming estudyante ang napapatingin sa akin. Siguro naga-gwapuhan na naman 'tong mga 'to sakin. Grabe ang gwapo ko talaga.
Habang naglalakad sinusuri ko rin yung mga suot ng mga nakakasalubong ko. Since walang uniform sa University na 'to, kanya-kanyang porma ang mga estudyante dito.
"Hmm.. Infairness ang gagara ng mga suot nila, ha." Bulong ko sa sarili ko.
Kringggggg!
"Sh*t! Kailangan ko pa palang dumaan sa registrar para kunin yung sched ko!" Sigaw ko nung naalala ko na hindi ko pa pala alam yung room ko. Bwisit talaga!
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"