Chapter XXIV: Transformation

63 15 12
                                    

Erza's POV

Jan. 02, 3PM.

Kasalukuyan kong kausap si OKA sa phone.

[Frindship, pwede bang mag-back out? Kinakabahan talaga ako, eh. First time ko kasi na mag-escort sa debut.] Sabi nito sa kabilang linya. Tsk! Ang kulit talaga ng isang 'to. Kanina pa niya ako kinukulit na mag-hanap na lang daw ako ng ibang escort.

"Ano ka ba naman, OKA! Ang tanda-tanda mo na, kinakabahan ka pa! Sasamahan at aalalayan mo lang naman ako sa party. 'Yun lang ang gagawin mo." Hay! Ewan ko ba naman sa taong 'to. Kakaiba talaga siya kahit kailan!

[Eh di ba, ako rin ang last dance mo? Paano 'yan, hindi ako marunong sumayaw?] Tanong pa niya.

"Natural na ikaw ang last dance ko, ikaw nga kasi ang escort ko, di ba?" Konti na lang talaga at mayayamot na ako.

[Ganun ba 'yn? Di ba pwedeng iba na lang ang last dance mo? Ayoko talagang sumayaw, eh. Baka mahimatay ako sa sobrang kaba mamaya.] Natawa naman ako sa sinabi ni OKA. Halatang-halata kasi sa boses niya na worried talaga siya sa boses niya.

"Che! Tumigil ka nga diyan! Basta, hindi ka na pwedeng mag-back out. 'Pag hindi ka pumunta mamaya, magkalimutan na tayo!" Hindi ko na hinintay na makapagsalita si OKA at pinatayan ko na siya ng phone. 'Pag 'di lang talaga siya pumunta mamaya, lagot siya sa'kin.

Tatayo na sana ako sa kama ko nang may biglang kumatok. "Erza anak, nandito na 'yung mag-aayos sa'yo. Lumabas ka na para masimulan na ang pag-aayos sa'yo." Sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Opo! Sige ma, lalabas na!" Pasigaw kong sagot. Oh, paano ba 'yan? Maiwan ko muna kayo. Kita-kits na lang later..

OKA's POV

"Pero--" Too-toot.. "Hays! Tignan mo 'tong si friendship, hindi man lang ako hinintay makapagsalita." Bulalas ko.

Sa inis ko, naibato ko tuloy 'yung phone ko sa kama. Kainis! Bakit kasi ako pa ang napili ni Erza na maging escort niya, eh! Kainis talaga 'yon kahit kailan! Grrrr!

Makatulog na nga lang muna, para poging-pogi na naman ako mamaya. Hahaha!

After 3 hours..

"Kuya! Bumangon ka na diyan! Alas-sais na! Alas-syete ang start ng party ni Ate Erza!" Naalimpungatan ako sa napaka-ingay kong kapatid. "Ano ba naman Precila, bakit ka ba sumisigaw diyan?!" Kainis, nang-iistorbo ng tulog. Nakita nang ang sarap-sarap ng tulog nung tao, eh.

Nagtalukbong ako ng kumot, pero agad ring Tinanggal ni Precila 'yung kumot ko. "Bumangon ka na diyan, Kuya! Tumawag si Ate Erza kanina, dapat daw bago mag-seven nandun ka na daw sa kanila. Kung hindi daw, 'wag ka na daw magpakita sa kanya. Ngayon, kung ayaw mo talagang bumangon diyan, ikaw na ang bahala sa buhay mo!" Sigaw ng kapatid ko sa'kin. Nakit kong lumabas siya ng kwarto ko kaya napabalikwas ako ng tayo.

Paksyet! Oo nga pala, debut ni Erza! Teka, anong oras na ba? Hinanap ko 'yung phone ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko na 6pm na. Syete! Otso! Nuwebe! Kailangan ko ng mag-ayos! Patay ako kay Friendship nito, eh!

Agad na akong tumakbo papuntang banyo. Sa isang iglap naging si The Flash ako.

After 15minutes, nakapagbihis na ako. Nakasuot ako white polo, red necktie, black coat, black slacks and black shoes. Lahat ng suot ko ngayon ay pinahiram lang sa akin ni Tita Elsa. Pwera lang sa slacks at black shoes na suot ko.

Humarap ako sa salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko, ayos! Ang gwapo ko! Hahaha!

Naglagay ako ng konting pulbo sa mukha at inayos 'yung buhok ko. "Poging-pogi na naman ako!" 'Di ko mapigilan na puriin ang sarili ko. Ang gwapo ko naman kaso talaga.

OKA AgnatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon