OKA's POV
"Let it go, let it go. Can't hold it back anymore.. Let it go, let it go. Turn away and slam that door.. I don't care what they going to say..."
Todo birit ako habang naglalakad. Feel na feel ko yung kanta. Feeling ko talaga ako si Elsa dun sa pelikulang Frozen, hahaha.
Napansin ko na ang sasama ng tingin sakin ng mga nakakasalubong ko. Hmp! Inggit lang siguro sila dahil meron akong ginintuang boses, hahaha. Dedma lang sila sakin at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Kung nagtatanong kayo kung saan ako pupunta, pwes hindi ko sasabihin sa inyo. Hahaha de joke lang. Papunta talaga ako ngayon sa bahay nila Erza. Sinabi ko kasi sa kanya kahapon na susunduin ko sya ngayon para sabay kameng pumasok sa school. Kailangan kasi naming galingan pa ang pag arte na may relasyon kame. Lalo na ngayon na alam namin na epektib yung plano namin. Ang talino ko talaga kahit kailan. Mwahahaha.
Di ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng bahay nila Erza.
*dingdong*
Nagdoorbell na ako. Maya-maya pa, bumukas na ang gate at bumungad sa akin ang isang babaeng may kapayatan ngunit mahahalata mo parin ang kanyang kagandahan.
"Ahm.. Magandang umaga po. Ako nga po pala si OKA. Andyan po ba si Erza? Kaibigan nya po ako." Magalang kong sabi.
"Ikaw pala si OKA. Nake-kwento ka nga sakin ng anak kong si Erza. Halika pasok ka." Sya pala ang mama ni Erza. Ngayon ko lang sya nakilala. Kada ihahatid ko kasi si Erza, hanggang dito lang ako sa gate nila eh. Kaya hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila. Hindi ko parin nakikilala ang mga magulang nya. Ngayon palang.
"Salamat po Mrs. Atibob." Sabi ko na nakangiti. "Tita Elsa nalang ang itawag mo sakin OKA." Nakangiti nya ring sabi sakin.
Teka, Elsa ang pangalan ng mama ni Erza? Parang kanina lang kinakanta ko yung kanta ni Elsa sa Frozen ah? At feel na feel ko pa na ako si Elsa. Hahaha. What a coincident.
Pumasok na nga kame sa bahay nila. Pinaupo muna ako ni Tita Elsa sa sofa nila at nagpaalam sya sakin na igagawa daw muna nya ako ng juice.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila. Hindi mapagkakaila na may kaya sila sa buhay. Maganda at malinis ang may kalakihan nilang bahay. Well organize din ang mga kagamitan. Madaming paintings ang nakasabit sa bawat sulok ng bahay. May nakita akong malaking family portrait nila Erza na nakasabit sa likod ng isang estante na puno ng mga libro. Pinagmasdan ko itong mabuti, ang cute pala ni Erza nung bata pa sya. Siguro mga 7 o 8 yrs. old palang si Erza dun sa portrait.
"Kinunan ang portrait na yan noong ika-pitong kaarawan ni Erza." Sabi ng isang boses sa likuran ko. Paglingon ko, si Tita Elsa pala. Hindi ko man lang namalayan na nakabalik na pala sya.
"Ganun po ba tita? Ang cute po pala ni Erza nung bata pa sya." Kumento ko.
BINABASA MO ANG
OKA Agnat
HumorAng istoryang puro katangahan, kabobohan, at kung anu-ano pa. Subaybayan ang nakaka-tangang paglalakbay ni "OKA Agnat"