Chapter 25

92.8K 2.4K 193
                                    

"The right man will take pride in yor happiness:
he knows that the happier you are, the happier he'll be"
~Mr. Amari Soul~

🍎

NAPALUNOK ako.

"Ibaba mo na ako, please" bulong ko sa kanya dahil ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. What he said made my pumping heart run wild. Baka sa lakas nito, marinig niya. And I'm afraid that he'll hear how fast my heartbeat is for him.

He smirked and followed me anyway. I looked at him. He's still grinning up 'till now. Bakit ang saya ata niya?

"Tara na" Tanging saad ko at pumasok na sa loob ng passenger's seat.

Sa buong biyahe, nagtanong-tanong siya sa mga ginawa ko ngayong araw. He listened with every word that I said na para bang kailangan niyang makinig. At parang gustong-gusto niyang pakinggan. Sa tingin ko nga walang ni isa sa sinabi ko ang hindi niya pinakinggan sa mga kuwento ko.

.

.

.

"Yro Qazvin, puwede bang maghanap ka ng ibang magagawa? Hindi yung uupo ka na lang diyan at tititigan ako hanggang sa matapos ko ang pagluluto!" May pagsukong sabi ko kay Yro dahil wala na siyang ibang ginawa pagdating namin dito kundi ang titigan ako. Aminin man o hindi, naiilang ako.

Ngumuso siya. "Wala naman sa batas na bawal kang titigan. Besides, I want to stare at you all night long"

I gasped.

"Anong nangyari sa'yo?" Wala sa sariling naibulalas ko. "Sinapian ka ba ng maligno?"

Pansin kong tumaas ang isang sulok ng labi niya.

Itinuon ko ang tingin ko sa niluluto kong sinigang na baboy. Ano pa ba? E ito ang gusto niyang kainin kasi naman ito ang paborito niya. Inilagay ko na ang gulay nitong petsay. Yun kasi ang sabi niyang idagdag kong gulay.

Malakas akong napasinghap ng aking maramdaman ang matitigas niyang mga kamay na pumaikot sa baywang ko at ang pagdampi ng labi niya sa batok ko. "Reyna ko..." Malambing niyang saad at tsaka ko naramdaman ang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko.

Pinilit kong pinakalma ang sistema ko. 'Ano ba heart! Tumigil ka nga muna!' Gusto kong sigawan ang puso ko na kahit saglit lang ay bumagal muna ito saglit. Naninibago ako sa mga kinikilos ni Yro. Hindi naman siya ganitong sobrang malambing. Ang lakas lakas tuloy ng tibok ng puso ko. Hinihiling ko lang na sana hindi niya maramdaman ang nagtatatalon na nakatagong organ sa dibdib ko.

'Yro, ano bang ginagawa mo? Mas lalo mo lamang binibihag ang kaibigan mong hulog na hulog na sa'yo' I wanna tell him that.

Pero hindi kailanman magrereklamo ang puso ko sa mga pinapakita niyang mga kilos dahil kinagagalak niya pa itong tatanggapin at pahahalagahan buong buhay niya. Ang tanga ng puso ko ano?

I tried to smile. "Bakit? Sasabihin mo na bang crush mo 'ko?" Despite of my heart hammering because of him, I managed to joke around. Tinakpan ko muna ang palayok saka siya nilingon para lang makita siyang mariin akong pinagmamasdan. "Paano kung sabihin kong oo?"

Natigilan ako. "Hindi ako maniniwala"

Seryoso ang mukha niya pero dahil sa sinabi ko, nagkasalubong ang magkabila niyang kilay. "Hindi ka maniniwala kapag sinabi kong gusto kita?"

Alanganin akong tumawa. "Huwag mo 'kong bolahin, Qazvin" Nginitihan ko siya pero hindi nagbago ang ekspresyon niya kaya napakagat labi ako. His eyes followed the movement.

He gulped.

"Who says I'm kidding?"

Nakaramdam ako ng tensyon kaya naman sinubukan kong ngumiti ng totoong matamis na ngiti sa kanya para lang balewalahin ang topic. "Nga pala, may pupuntahan kami ni Althea bukas. Sasamahan ko siya sa pupuntahan niyang photoshoot" Pag-iiba ko ng topic.

Nagsalubong ang magkabilang kilay niya. "Bakit ka sasama?"

Marahan akong natawa saka pinisil ang ilong niya. "Bakit sana hindi? Tsaka bakit ba tanong ka ng tanong?" Natatawa kong pahayag.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Are you part of the photoshoot?"

Mabilis akong umiling. "Hala, hindi a! Sasamahan ko lang si Thea, ano ka ba! Seryoso ka na naman diyan! Ang pangit mo na" Komento ko at kumalas sa hawak niya. Lumayo ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa distansyang meron.

Kapag kasi ganitong sobrang lapit niya, nawawala ako sa katinuhan. Hindi ako makaisip ng husto kasi tambol ng tambol ang buwisit kong puso kapag ramdam nito ang presensya ni Yro.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tang ina. Sino ang tinatawag mong pangit, reyna ko?"

Pinandilatan ko siya. "'Yang bibig mo Yro. Tigilan mo ang pagmumura" Inis kong sabi saka siya tinapunan ng mansanas na naabot ko ngunit mabilis niyang nasalo ito. Kumagat siya rito.

Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha na rin ng mansanas tsaka kumagat rito. Napangiti ako saglit dahil sa tamis nito saka muling inirapan si Yro.

"Si Gavin ang pangit, hindi ako" Matabang niyang sabi at muling kumagat sa mansanas na para bang bata.

"Bakit mo na naman naisali si Gavin? Inaano ka ba niya?!" Bulyaw ko sa kanya pero parang gusto kong bawiin iyon nang sumama ang timpla ng mukha niya.

"He fucking touched you!"

Natigilan ako at napatitig sa galit niyang mukha. Matatalim ang tingin niya.

"He touched you in places that no one should ever touch but me! And I'm goddamn jealous, reyna ko. Selos na selos ako" Saad niya na ikinagulat ko lalo na nung kabigin niya ako palapit sa kanya at walang sabing siniil ako ng mapusok at mapag-angkin na halik.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon