The biggest coward is a man who
awakens women's love
with no intention of loving her
~Bob Marley~
🍎
TUMINGIN ako sa orasan pagkalipas ng isang oras. Nagmura ako. 8 minutes na lang ang natitira bago mag seven pm. Dahan-dahan akong umalis sa pagkaka-upo habnag inaalalayan gamit ang palad ko ang ulo ni Yro saka ko kinuha ang pillow na nasa gilid at iyon ang pinalit bilang unan niya. Hindi madali ang ginawa ko dahil malakas ang sense ni Yro sa mga galaw. Nagpapasalamat na lang ako na lasing siya kaya nagawa kong makalayo ng hindi siya nababangon. He actually moved a bit but thank goodness at hindi siya nagising.
Mabilis ang naging galawan ko sa pagbibihis. I chose to wear a black dress which fits my waist perfectly. I grabbed my white coat and wore flats before reaching for my phone and wallet. Huli kong kinuha ang blanket ni Yro na nasa kwarto niya tsaka iyon maingat na itinaklob sa kalahati ng katawan niya. I checked him first before exiting his unit.
Nagmamadali ang bawat hakbang ko.
Napapikit ako ng mariin matapos akong makapara ng taxi at makapasok sa loob nito. "Manong, sa Luxurious Deluxé po"
Bakit nawala sa isip ko ang dinner namin ni Hector? What was I thinking? Hindi ko namalayan ang oras because I was enjoying Yro's company. Shems naman! Gaggybells!
I turned my phone off at mahina akong napamura sa nakitang ilang tawag ni Hector at ilang text niya. He was reminding me of the dinner. Pero teka nga lang, bakit bigla'y naka-silent ang phone ko? I frowned. Hindi ko naman ito isi-nilent kanina a. I don't remember turning on my phone's silent mode.
Ginalaw ba ni Yro ang phone ko?
Hindi ko alam.
What came up on my mind first was to send Hector a message.
Ako:
On the way na ako.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan pagkatapos huminto ang sasakyan. "Manong, thanks po!" Sigaw ko pagkababa ko bago ako tumakbo papasok ng restaurant.
I was greeted by 4 security guards before I was able to get inside the restaurant. Ito ang gusto ko sa malaking restaurant ni Fierro e. Masyadong secured kaya safe ang bawat individual na papasok.
Pumasok ako sa lift at pinindot ang 8th floor. Sabi ni Hector, nasa French Cuisine siya. Mas gusto ko actually ang Italian Cuisine na nasa 3rd floor pero okay na din ang French. Tutal, nandun na rin naman si Hector at nakapag-reserve na siya ng tale namin doon, edi dun na kami.
"Uy! Sorry na-late ako" Paumanhin ko kay Hector nang masilayan ko siya sa center part ng floor. Malawak ang bawat floor ng Luxurious Deluxé tapos super classy pa ang dating.
Naalala ko tuloy si Iya. Asawa niya yung may-ari nitong sobrang laking restaurant na ito. She's actually one of the main cooks too. Pareho sila ni Mr Trace Fierro.
Ngumiti sa akin si Hector. "Dalawang minuto lang naman. It's fine. I can wait for you all night"
Tumikhim ako. "A e hehe"
I chuckled awkwardly. Bakit ba kasi ganun siya makatingin? Ang intense tapos ang lawak lawak pa ng ngiti niya. Dumako ang tingin ko sa baso ng wine na nasa harap ko at kinuha ito. Pakiramdam ko, dahil sa pagmamadali ko, nauhaw ako bigla.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
