When he's the right man, he'll never run from you. Why?
Because you're exactly what he's been looking for
and he wouldn't dare risk losing you
playing such a childish game.
~Mr. Amari Soul~🍎
TULUYAN akong mahinang nagmura sa nakitang madilim na mga mata ni Yro. He seems bothered but dominant at the same time. How could he do that?
Sa pagkakataong ito, bumitaw ako sa hawak ni Hector at lumapit sa kanya.
Pamilyar si Yro sa pangalan ni Hector pero hindi niya pa ito nakikita. He doesn't know Hector's features. Kung papaano? Hindi ko hinayaang makita niya kung sino man si Hector at pinakiusapan kong 'wag niyang i-stalkin' si Hector kahit pa man magaling siyang mang-hack na para bang isang pindot niya lang sa telepono niya o sa computer niya, lalabas na lahat ng impormasyon tungkol kay Hector. Ayokong makilala niya si Hector dahil alam ko ang ugali ni Yro. Kilala ko siya.
And by the looks Yro is giving Hector now, it seems to me that I'm right with my prediction. Kung bakit ba naman kasi parang tatay kung makabantay si Yro sa akin e!
"Si Hector 'yan" Pabulong ko na sabi. Mahinahon man ang tono ko, may pagbabanta pa din na nakalakip doon. Banta na h'wag siyang magmura ulit dahil may bata na nandito, kasama namin.
I smiled sweetly at him and reached for his hand subalit nagulat ako nung hilain niya ako palapit sa kanya gamit ang kamay niyang pumaikot sa baywang ko. Sa gilid ng mata ko, napansin kong bumaba doon ang tingin ni Hector. Pansin ko din ang pagkalito na rumehistro sa mukha niya.
Yro glared at me. Nakakamatay ang binibigay niyang tingin, pramis!
I sighed. "Hey man..." Unang bumasag si Hector sa panandaliang katahimikan na pumailanlang. Tumikhim muna ako para kumuha ng lakas ng loob bago pinakilala sila sa isa't isa. Nakakaloka.
"Hector, si Yro nga pala. Yro, si Hector" Simpleng pagpapakilala ko dahil parang biglang nakaramdam ako ng kakaibang tensyon.
Seryoso? Guni-guni ko lang siguro.
Naglahad ng kamay si Hector. Napatingin rin ako doon pero lumipas ang ilang segundo ay hindi tinanggap ni Yro kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at pasimple siyang siniko sa tagiliran. Alam ko namang gago ka pero, 'wag ka namang ganyan ngayon! Gusto kong isigaw ang mga katagang iyan sa pagmumukha niya pero nakuntento na lang muna ako ngayon sa pagngiti ko sa kanya ng may babala. Umayos ka Qazvin!
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka niya iyon tinanggap at nakipagkamayan. Jusko! Salamat naman!
I smiled happily at him but all he did was look at me with a deadpan look. Ayan! Tumotopak na naman si Kya! Ang mahala hindi niya inignora ang paglalahad ni Hector ng kamay.
"Stop smiling. He's looking at you" Walang kabuhay-buhay na sabi sa akin ni Yro habang nakatingin ako sa kanya. Kasama ngayon ni Hector si Jolo. Nag-uusap sila kasama si Tita Lordes patungkol sa kalagayan ni Jolo.
Confusion was written all over my face. "Sino? Si Jolo?" Nagtataka kong tanong at nginitian si Jolo nang bigla'y napatingin siya sa gawi ko.
Yro rolled his eyes on me when I stared at him. Aba'y suplado!
"Slow. Forget it" Iling niya tapos umakbay sa akin ang kamay niyang nasa baywang ko.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami ni Yro na umalis. Pinahabol pa ni Jolo na sabihing magpapagaling raw siya para kapag healthy na siya at malakas, saka siya sasama sa amin ni Yro na lumabas. I smiled at that thought.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.