NABABAGOT akong nagreklamo nung agawin ni Thea sa katawan ko ang kumot na nakapalibot sa akin. "Thea! Ang aga pa!"
Suminghap siya. "Alas nwebe na bruha! Gumising ka na diyan dahil magbi-beach pa tayo! Tsaka tayo na lang ang hinihintay doon sa baba!"
I groaned and sat down.
Kagabi, iniyak ko lahat kay Thea. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinayaan hanggang sa maubos lahat ng luha ko. Hanggang sa makatulog ako.
"Here!" May tinapon siya sa harap ko. "Use my concealer. Ayusin mong itago 'yang namumugto mong mga mata bago ka bumaba"
I smiled. "Salamat, bruha"
Inirapan niya lang ako tsaka na lumabas.
Ang sakit sa mga mata. Nanikip ang dibdib ko at parang may kung anong isinasaksk sa puso ko nang makita ko sina Yro sa ganoong lagay, kagabi. Para akong nilinlang sa sariling larong aking sinimulan.
Bumuntong hininga ako bago sinimulang mag-ayos. I brushed my teeth and washed my face first before coming out of the bathroom.
Tulad ng sinabi ni Thea, sinigurado kong hindi mahahalatang umiyak ako ng umiyak. Naglagay din ako ng konting powder at dinilaan ko na lang ang natural na mapupulang labi ko. I tied my hair in a messy bun before going down.
Nakasimpleng shorts din ako at loose shirt na kinuha ko mula sa mga damit ni Kuya Sinc. Iginayak ako ng isang staff papunta sa table namin. Pagdating ko doon, lahat sila napatingin sa akin.
"Hey Brie!" Unang bati ni Ivo na siyang nagyaya ng outing.
Sumunod ang iba.
"Late kang natulog?" Takhang tanong Killion. Nahihiya akong tumango. He smirked.
Binati rin ako ng magandang umaga ng iba at ngiti ang sinagot ko sa kanila. "Good morning, people" Natatawang bati ko tsaka naupo sa tabi ni Caileen.
Naagaw ng atensyon ko ang babaeng inakbayan ni Killion. Maganda siya at mukhang mabait kahit strong ang features ng mukha niya. Wala rin itong suot na make-up hindi gaya ng ibang nakakabit kila Blue, Ivo at Dark na mga babae. I looked at Thea na balewala lang sa kanyang may kasamang ibang babae si Dark.
Syempre, hindi ko nakalimutan sina Yro at Eleina na nakaupo sa pinakadulo ng table. Kahit ramdam ko ang mariing mga titig ni Yro, hindi ko inabala ang sarili kong tapunan sila ng tingin. Just when I sat down, doon pa lang ako napansin ni Eleina. "Good morning Briane" Masiglang bati niya.
I looked straight at her. "Morning" Topid kong bati bgao ibinalik sa mga nakahandang pagkain sa harap ko ang tingin ko. Ayokong namemeke ng ngiti kaya hindi ko siya nginitihan. From my peripheral vision, I saw Ivo smirk. Pinandilatan ko naman siya pero mas lumaki lang ang ngisi ng hayop.
"Killion, subukan mong tumingin sa waitress na paparating, dudukutin ko 'yang mga mata mo at ipapakain sa mga manok" I heard the girl whisper at Killion habang kumakain kami. Hindi ko naintindihan. Saka pa lang noong may isang babaeng waitress ang lumapit sa puwesto namin at nag-serve ng maiinom. Nakasuot ito ng uniform nila pero sobrang iksi ng palda nito at masyadong hapit ang blouse nitong suot na halos lumuwa na ang may kalakihan nitong dede.
Mahina akong natawa dahil parang nanigas si Killion. Parang mas pumuti pa ang mukha nito sa banta ng babae. "What?" Takhang tanong nito sa babae tsaka nag-angat ng tingin pero bago pa nito makita ang waitress, hinapit ng babae si Killion sa batok at hinalikan sa labi.
I looked away. Kasabay n'on ang pag-iingay nila Red sa tabi.
"Porn!"
"Ang inosente kong mga mata!"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomansaR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
