Hello kay @AimieGraceSantillan. Naaaliw ako sa madami mong comments. I needed those :)
And happy reading to my other readers!
I'm sick of getting my hopes up for nothing.
~curiano~🍎
WALANG gana akong sumipsip sa straw ng Zagu ko. Kanina pa akong ayaw tantanan ng sarili kong isip tungkol sa nangyari kagabi.
"Tell me about your boyfriend, Briane"
Malamig niyang sabi. Akmang sasagot pa sana ako na hindi totoo 'yun kaso natahimik ako sa sumunod na narinig ko mula sa kanya.
"Forget it. I don't care anyway" Walang buhay niyang sabi at tsaka sumakay sa kotse niya. Naiwan na lang akong tulala roon habang tinitignan ang papalayo niyang sasakyan.
Mapait akong napangiti. Parang ang bigat ng loob ko. Nakakatawa mang isipin pero masakit sa pakiramdam yung mabalewala. Magkasama kaming lumaki ni Yro. From the very start, he always prioritize me over anything else. Isang tawag ko lang sakanya noon, pupunta siya agad. Sa kanya pa nga mismo nanggaling na mas gusto niyang kami lang daw dalawa ang magkasama. Na kung kami lang dalawa, kami lang. Walang ibang taong kasama. Akalain mo nga naman ngayon, sinama niya si Eleina sa isang espesyal na gabi namin.
Masakit mabalewala sa taong lagi kang inuuna.
"What the hell? Briane, okay ka lang ba?"
"Ha?" Mabilis akong nag-angat ng tingin at natigilan sa mga matang nakatutok sa akin. Pilit akong ngumiti. "A.. e. Hehe, okay lang naman. Bakit?" Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. Ngumiti pa ako pero nabura ng mabilisan dahil sumeryoso sila.
"You're crying.."
Napahawak ako sa pisngi ko. Mabilis kong pinunasak ang mga likidong hindi ko namalayang tumutulo. Sunod-sunod ang pagpunas na ginawa ko. Shit.
Inayos ko ang sarili ko at nginitihan sila na para bang walang nangyari. Kahit pa kitang-kita sa mga mukha nila ang pag-aalala, pinagwalang bahala ko iyon.
Lintik lang! Ayokong ipakitang nanghihina ako. And I don't need to see them worrying over me dahil lang nasasaktan ako sa mga pinanggagagawa ni Yro.
I smiled. "Napuwing lang" Pagdadahilan ko ngunit sa paraan pa lang ng pagtitig nila, alam kong hindi sila naniniwala.
Minurahan ko ang sarili ko sa pagpapakita ng kahinaan sa kanila.
"May problema ba kayo ni Yro? Wala na akong ibang maisip pa kundi siya" Diretsahang tanong sa akin ni Thea.
Umiling ako. "Wala. 'Wag niyo na akong pansinin" Tipikal kong sagot at sumipsip ulit sa straw. Ayokong pag-usapan.
Tangina kasing luha, basta-basta na lang lumalabas!
"Briane, hindi mo kai–" Umiling ulit ako at ngumiti. "Please..." Nakiki-usap na pahayag ko na ikinatahimik nila. Alam kong gustong pag-usapan ni Thea pero tumango siya sa pakiusap ko na ipinapasalamat ko.
Bumuntong hininga si Iya. "Pero kung kailangan mo ng kausap, Briane, we're more that ready to hear you out. 'Wag mong sarilihin ang kinikimkim mo"
'Wag kong sarilihin? Sa ngayon, mas mabuti na rin siguro na angkinin ko muna ang sarili kong problema. Ngumiti na lang ako at tumango.
Pagkatapos naming kumain sa labas, dumiretso kami sa bahay nina Caileen. Blessing in disguise na rin siguro ito para naman mawala sa isip ko si Yro. Kasi paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomantiekR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.