Chapter 13

110K 2.4K 80
                                    

"If he doesn't want a relationship,
don't give him relationship benefits"
~r.h. Sin~

🍎

NAGSUSUMAMONG napatitig ako sa screen ng phone ko. Matapos naming kumain ni Yro kahapon sa labas, parang iniwasan na ako ni Yro. Hindi pala parang dahil iniwasan niya talaga ako. Lumamig bigla ang timpla ng mukha niya at madilim ang awra niya buong lakad namin kahapon.

Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Gusto ko siyang kausapin at kamustahin ang family dinner nila. Kahit kagabi matapos niya akong hinatid, sinubukan ko siyang tawagan para mag-goodnight pero ang loko, hindi ako inaaangatan ng tawag.

"O anak, bakit ka nakabusangot diyan?"

Umiling ako kay Mama tsaka sumimsim sa kape ko. Umagang-umaga, naguguluhan ako kung bakit ganun si Yro. Sa natatandaan ko, wala naman akong maling sinabi. Wala din akong ginawang masama na maaaring ikagalit niya.

"Wala ho, Ma. May butiki lang po na ayaw magparamdam" Totoo naman. Hindi nga ako sinasagot eh!

Nakita ko ang amused na tingin sa akin ni Mama bago niya inilapag sa harap ko ang bagong lutong pancakes niya. Mabilis nagningning ang mga mata ko at nginitihan ng matamis si Mama. "Salamat 'Naya! You're the best!" Nagthumbs up pa ako na ikinailing naman niya.

"Asus! Kilala kita. Basta may pagkain, masaya ka. At talagang best ako! Best na best! Kaya nga ang ganda ganda mo! Kasi galing ka sa akin, maganda!" Nag-flip hair pa siya. Hindi ko napigilan ang tawa ko at malakas akong napahalakhak.

"Feelingera ho kayo 'Nay!" Panunukso ko at sinubo ang pancake sa tinidor ko.

Bineletan naman ako ni Mama tsaka nag-hair flip ulit. "Excuse me! Hindi ako feelingera kasi maganda talaga ako. Kaya nga ang ganda ganda mo noh!" Pangangaral niya sa akin tsaka na nag-walk out.

Tawang-tawang tinitigan ko lang ang papalayong likod ni Mama at ngingiting napailing nang mawala siya sa paningin ko. Shems! Ano ba ang nakain nun ngayon?

Itinuod ko ang wiko ko sa lamesa at pumasok sa isip ko yung mga misteryosong mga ungol na narinig ko kagabi doon sa guest room. Napasinghap ako. "Omygod! Nadiligan si Nanay kaya ganun siya!"

Muli akong napahalakhak. Hanggang ngayon pala, nadidilingan si Ma.

Gosh! Ang tatanda na nila pero active na active pa din ang sex life nila! Pero ang malala doon, maingay sila. My innocent ears! Akala ko guni-guni ko lang 'yon! Hindi pala! Real na real!

Mas lalo akong tumawa.

"Briane?" Napatingin ako kay Kuya Sinc na kakapasok lang sa kusina. Binigyan niya ako ng tinging naguguluhan. I raised my hand and motioned him to wait a sec. Hanggang sa humupa ang tawa ko, saka ko siya malawak na nginitihan.

"Bakit kuya?" Mala-asong ngiti ang ginawad ko sa kanya pero nauwi iyon sa ngiwi sa sumunod niyang sinabi.

Lumapit siya sa akin. "Naka-drugs ka ba, prinsesa ko? Bakit tawa ka ng mag-isa mo?" Puno ng kyuryosidad niyang sabi pero masama ang pagkuha ko sa tanong niya.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bilang good morning kiss. "Excuse me! Hindi ako adik noh!"

Hindi nakalutas sa akin ang pagngiti niya matapos ko siyang halikan sa pisngi nang maupo siya sa tabi ko.

Sanay na kami na ganito. Actually, hindi ako malambing na tao sa lahat. Pero kapag pamilya ko ang pinag-uusapan. Kotang-kota sila sa paglalambing ko, I swear. Lalo na si Kuya Sinc.

Naaalala ko pa nung bata kami. Noong unang beses na na-meet ko si Kuya, sobrang mahiyain ako nun kasi nakakatakot siyang tignan. Ni hindi siya ngumingiti at minsan lang nagsasalita. Nuong pinakilala ako sa kanya, tanging tango lang ang ginawad niya. Ang mind you! Seven years old pa lang siya nun tapos four ako. Akalain niyo yun? May batang suplado masyado, si Kiya Sinc yon. Pero ang hindi ko malilimutan na ginawa niya sa araw na iyon, binigyan niya ako ng puting rosas na kinuha niya sa hardin nila at binigay iyon sa akin noong umiiyak ako kasi ayaw pumayag ni Mama na umuwi kami. Siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong pilitin si Mama na umuwi na sa bahay kaya hindi ko akalain na sa mismong araw na iyon, siya rin ang naging kapatid ko. Pinsan ko man siya sa paninginng lahat pero sa paningin ni Kuya at sa akin, magkapatid kami. I love him with all my heart.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon