.
:)🍎
BIGLANG TINAMAAN ng matinding kaba ang kalooblooban niya. 'Bakit? Anong ginawa ko?' Tila ba'y nalilitong tanong ni Briane sa sarili niya dahil hindi niya maintindihan kung bakit galit ito.
"Close the damn door"
Napalunok siya bago dahan-dahang isinara at ni-lock ang pintuan. Mainit ang ulo ni Yro, ramdam niya 'yon bagaman di niya alam kung saan ito galit.
"Bakit? Anong meron?" Kinakabahan man, nilakasan niya ang loob magtanong.
"You tell me what's going on!" Tila ang tinitimping galit ay sumabog ng magsalita ito. And that's when she took sight of the photos in his hand. Binalibag nito iyon sa table na nasa harapan niya.
Nanlalaki ang mga mata niya. Yung mga litrato niya sa photoshoot!
Paano napunta iyon sa mga kamay ni Yro?! Kakatapos lang ng shoot kanina a!
Tila ay natameme siya at hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya lang ang mga litratong nasa lamesa.
"Ano? Wala kang sasabihin? I'm waiting for your explanation, dammit!" Sigaw nito sa kanya. Napapitlag siya.
His eyes are spitting fire. Mukha siya makakapatay ng tao. Kaya napalunok si Briane.
"There's nothing wrong with those photos" Dumadagundong man sa kaba ang puso ni Briane, nilakasan niya ang loob bitawan ang mga salitang iyon.
Kumunot ang noo ni Yro. "Anong sinabi mo?"
"Mga litrato lang iyan. Bakit ganyan ka kung makapagreact?"
"You're asking me that? Hindi ordinaryong mga litrato 'to, Briane! This is you showing your naked body to the world like you're some kind of a whore! Ano 'to? Binebenta mo ba ang sarili mo para ihantad mo ang walang saplot mong katawan sa mundo?! What the fuck is wrong with you, woman!"
Kapag nakabra at panty, whore na ang tawag doon? Ang sakit naman 'non.
"Ganun ba ang tingin mo sa akin?" Balik tanong ni Briane.
Tumiim bagang ito. Mapakla siyang natawa. "E ano ba'ng paki mo kung maghubad man ako sa harap ng camera? Anong isyu mo don? Nakakahiya ba kasi hindi kagandahan ang katawan ko? Hindi ka naman dawit dito ah! Kaya ano ang pinuputok ng butsi mo?"
"Ipaintindi mo kung bakit mo kailangang magpakapokpok diyan sa magazine na yan, tangina!" Malakas ang naging sigaw ni Yro na nakapagpanginig sa buo niyang katawan. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya.
Kung kanina ay nakakatakot ang madilim na mukha nito, ngayon mas tumalim na ang paraan ng pagtitig ni Yro sa kanya. "Gusto mong magbilad ng katawan? O sige, pagbibigyan kita tutal gusto mo naman 'yon, HUBAD!"
Napaigtad siya lalo na nung bigla'y nasa harap na niya ito. Napakawak siya sa damit niya.
"Ano ang tinutunganga mo riyan?! Ang sabi ko, HUBAD!"
"Yro..." Malakas siyang napasinghap nung hiklatin nito ang bistidang suot niya dahilan para mapunit ito. Tinablan siya ng matinding takot.
"Ito yung gusto mo diba? Yung maghubad para ilantad iyang katawan mo?!" Tuluyan siyang namutla nung mapunit ni Yro ang suot niya. Nahulog iyon sa paanan niya. Tanging bra at panty na lang ang naiwang suot niya. Nanginig ang buong katawan ni Briane. Iniharang niya ang kamay sa nakahantad niyang dibdib upang matakpan sa malamig na paningin nito. Kakaibang lamig ang tumama sa balat niya. Pinigilan niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo kahit pa gustong gusto na niyang umiyak.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.