Chapter 17

105K 2.3K 270
                                    



A strong woman would rather be alone
and single than be in a relationship
and treated like an option
~Mr. Amari Soul~

🍎

Ginulo ko ang buhok ni Yro dahil hindi maalis-alis ang simangot sa mukha niya, kanina pa 'to. Masyadong masungit. Pagkatapos naming makita si Eleina, ako lang ang nag-hi tapos etong si Yro ni ha o ho, walang sinabi aside sa walang ka emo-emosyon niyang mukha. Basta niya lang akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng mall.

Bastos din kasi 'tong lolo ninyong ito.

"Bakit ba hanggang ngayon ang bitter mo? Di ba nga siya yung babaeng iniyakan mo ng todo! This is your chance na ayusin yung sa inyo"

Ipinilig ko ang ulo ko nang masilayan ang nakabusangot niyang mukha. "I'm not fucking bitter. I'm just not happy to see her and I don't intend on fixing anything"

Naningkit ang mga mata ko at inayos ang polo na suot niya. Ininglis pa ako! Asus.

"Stop frowning Yro. Hindi nakakadagdag gwapo yang pagsisimangot mo. Cheer up, will you!"

"How can I fucking cheer up when you set me up to date her?" Seryosong asik niya bigla kaya natigilan ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Now I feel so guilty. Tinawagan kasi ako ni Eleina kahapon matapos namin siyang makita at humingi siya ng tulong kung pupwede ko daw ba siyang tulungan para maka-usap niya si Yro. Ang sabi niya sa akin, gusto niyang ipaliwanag ang side niya kung bakit niya kinailangang iwan si Yro noon. So I set a date for the both of them.

I told her na susubukan ko kasi nga alam kong baka hindi papayag si Yro. Pero ang di ko alam, pagkatapos kong sabihin sa kanya na susubukan kong kausapin si Yro, nagpa-reserve na pala siya sa Luxurious Deluxé matapos kong maibaba ang tawag. Nakakahiya naman kay Eleina ngayon kung hindi sisipot si Yro.

"I'm sorry okay? Pero Yro, pagkakataon mo na 'to para dinggin ang side niya" Lumayo siya sa akin habang ang mga mata niya ay nakatutok pa din sa akin. "I don't actually give a fuck to her reasons. Matagal na 'yon" Pabulong niyang sabi at tsaka bumuntong hininga at nag-anagat ng tingin.

"Sumama ka"

Nanlalaki ang mga mata ko. "Hindi pwede! Ano ka ba. Date niyo tapos e-ekstra ako!?"

"Ayoko siyang makasama. Gusto ko ikaw" Tumalikod siya sa akin at naupo sa kama.

Napabuntong hininga ako. Halatang ayaw niyang pumunta sa date nila pero nakakahiya talaga kay Eleina kung hindi pupunta itong si Yro. Tinignan ko siya at walang sabi sabing lumapit saka inipit sa mga palad ko ang magkabilang pisngi niya. "Mamayang gabi, tayo naman ang magdedate bago ako papasok sa trabaho kung sasamahan mo muna si Eleina ngayon"

"Can we just tell her that I'm sick tapos tayo na lang ang mag-date?" Parang batang tanong niya habang nakataas ang tingin sa akin. Natawa naman ako saka pinisil ng may gigil ang pisngi niya. "Gago ka din talaga no?"

"Tsk!" Pagsusuplado niya tsaka nag-iwas ng tingin.

Nginitihan ko siya nung hawakan niya ang kamay kong nasa pinsgi niya sabay akong ginayak paupo sa tabi niya. "Pero seryoso nga Yro. It's not right to stand her up"

Nagbaba siya ng tingin. "Basta ipangako mong magde-date tayo pagkatapos kong samahan si Eleina"

"Oo naman!"

I beamed at him and was ready to stand up nung marinig ko siyang bumulong. "Tangina"

Awtomatikong pinaningkitan ko siya ng mata at tinaasan siya ng istriktong kilay nung titigan niya ako diretso sa mga mata. O? Bakit ano na naman ang minumurahan ng mokong na 'to?

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon