Chapter 26

97.2K 2.4K 234
                                    

"Kapag tinamaan ka ng pag-ibig,
tanggapin mo na lang"

Sinong may sabi?

Ako lang naman! Ka-echosan ko lang😂

Enjoy reading, my loves❤️

🍎

"HOY CASTELLERA! Hindi ako nagpasama sa'yo dito para matulala ka lamang sa kawalan!"

Pakiramdam ko nabingi ako. Inirapan ko si Althea na busy sa pagguhit sa signatured drawing book niya.

Kasalanan ko ba kung hanggang ngayon e naiisip ko pa din yung sinabi ni Yro kagabi? Goodness! Nagpapasalamat ako dahil nasurvive ko ang gabing iyon kahit pa kasama ko ang isang napakalambing na Yro Qazvin.

Kagabi, nagpasubo siya sa akin at sobrang nagpalambing. Ang higpit niya kung makayakap kagabi. Tapos ayaw niya pa akong umalis kaninang umaga. Sabi niya, gusto pa daw niya akong kasama ng mas matagal. Ayaw akong bitawan kaya medyo na-late ako ng punta dito.

Bakit ngayon lang siya umaakto ng ganito kung kailan may Eleina nang bumalik?

Nagseselos siya kay Gavin? Why on earth would he be jealous when he's with Eleina?! Bakit niya ako hinahalikan? Bakit biglaan na lang na naging sobrang lambing niya sa akin? Since when did he become so vocal? At bakit ang rupok rupok ko lagi pagdating sa kanya?

"Hindi ako tulala! Nag-iisip lang ako!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Yung ibang staffs pinagtitinginan na kami pero hindi namin ininda dahil hindi naman kami nag-aaway o ano.

She raised a brow. "Lagi ka na lang bang nag-iisip?! E kaya nga ako nagpasama sa'yo para mag-judge sa mga disenyo ko e!" Itinuro niya ang nakahandang setting para sa photoshoot. "Ito, Briane! Eto ang pag-isipan mo!"

Inirapan ko siya. "Tumahimik ka na at mag-drawing diyan kundi tatahiin ko 'yang bibig mo! Ang ingay mo!"

Like what I did, she rolled her eyes on me.

Sakto namang may lumapit sa amin na isang staff na mukhang natatakot at nag-aalala. "Miss Steel" Tawag nito kay Thea na istriktong bumaling sa isang staff. Napataas ang isang kilay ko dahil doon. Kung kanina, mukhang amazona si Thea na handang makipagsigawan, ngayon kung titignan siya ng mabuti, para siyang isang istriktong boss na pormal makipag-usap sa isang katrabaho.

"May problema ba?"

Kita ko ang takot sa mga mata ng babae na mukhang nagdadalawang isip pa kung sasabihin kay Thea o hindi ang problema. Tingin ko, takot siyang mabulyawan ni Thea kapag nagkataon.

"Ma'am, hindi daw po dadating ang isa pang modelo"

I saw Thea's face harden. I grinned. Sumasaya ako kapag naiinis ang bruhang kaibigan kong ito.

"Bakit daw"

Napakamot ng ulo yung staff. "Ah ma'am, sumama daw ho kasi siya kagabi doon sa bar kasama ang mga kaibigan niya at nakainom ho ng marami. Masakit daw ang ulo sabi ng manager niya kaya hindi siya makakarating"

Nakita kong pumikit ng mariin si Thea at hinilot ang sentido niya. On going na ang shoot ng unang modelo. Susunod na ang panghuling modelo para sa shoot nila ngayon. Passion exquisite ang tema nila Thea kaya dito sa beach ang set up. Bra at panty kasi ang ishoo-shoot na damit ng mga modelo, which is in fact mga desenyo ni Thea.

Naningkit ang mga mata ko nung pagdilat ni Thea, tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

I shook my head. "Hell no..." Bulalas ng bibig ko. Sa paraan pa lamang ng tingin niya, alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. "Briane, come on!"

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon