enjoy🧡
🍎
NAKAHANDA na ang mga pagkain. Luto na ang Baked Mac ni Tita at yung Steak ko. Pati na rin ang sinigang ni Eleina. Ang hinihintay na lang namin ay sina Yro at Alexander. Wala si Tito Kiel dahil may business transaction itong dinaluhan sa New York.
Pigil hininga ako nang marinig ang ugong ng kotse sa labas. Pagbaling ko kay Eleina, halatang halata ang excitement na naka-ukit sa buong mukha. She was anticipating the love of her life, surely she's excited. Me? I'm barely getting my nerves up.
Masama ba ang ugali ko kapag inamin kong ayokong magkita sina Yro at Eleina? Na ayokong makita silang magkasama?
Naka-upo ako sa sofa kasama si Tita. Si Eleina naman ay nakatayo sa gilid habang nakatingin sa pintuan. Bumuntong hininga ako at napatitig na lang sa lamesa.
"Good evening po, Sir Yro" Rinig kong bati ng mga kasambahay kaya nag-angat ako ng tingin. At sa ginawa kong iyon, hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang diretsong tingin ni Yro sa akin.
The corner of his lips tugged up. "Mahal kong reyna..." Sambit niya habang nakatingin sa akin ngunit nawala ang atensyon ko sa kanya dahil dinamba siya ng yakap ni Eleina.
"Hello too, my King" Asik nito.
Nakitaan ko ng gulat ang mukha ni Yro nung humiwalay si Eleina sa kanya. "Are you surprised to see me?" Maamong tanong ni Eleina habang hawak ang mga kamay ni Yro. Napaiwas ako ng tingin at tumayo na. Magpapaalam na sana ako kay Tita na mauna na ako sa kusina kaso—
"Briane?" Napatingin ako sa pintuan dahil sa tumawag sa akin. Malawak akong napangiti nang makita si Alexander na nakakunot noo. "Hi Alexander. I'm Eleina" Rinig kong pagpapakilala ni Eleina sa kapatid ni Yro na ngayo'y nakapamulsa na. His face is blank like his brother. Tinanguhan niya lang ito tsaka lumapit sa akin.
Nakita kong nabura ang ngiti ni Eleina.
Pagtingin ko kay Alexander, he beamed at me. "Hey beautiful..." Tumawa ako.
"Mambobola" Nakangiting iling ko saka tinaggap ang paghalik niya sa pisngi ko.
He looked at his mom and smirked. "Hey mommy sexy" Pilyong bungad nito kay Tita Reena na ngayon ay pinaningkitan ng mga mata ang anak. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Humalik si Alex sa pisngi ni Tita. "Wala ka namang ginawang kabalastugan, diba anak?" Nasisitang turing nito na ikinairap lang ni Alexander.
"Don't roll your eyes on me, kid!"
"Love you, Mom" tanging sagot nito bago ako hinila ng walang sabi, papuntang kusina. Rinig ko pa ang pag-uusap nila Yro pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Sumasakit lang dibdib ko.
"Ano ka ba naman anak! Hindi si Elastic Girl si Briane para hilain mo na lang ng hilain!" Sita ni Tita ng makasunod siya.
Ngumuso lang si Alex sa mommy niya. "She's my girlfriend" Asar na sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Tita at parehong natawa. "Ang cute cute mo, Alexander!" Gigil kong sabi at pinanggigilan ang pisngi nito. He held my hand and frowned. "I hate it when people call me cute. But when you say it, I feel proud. Why is that?" Takhang tanong niya.
Napanganga ako.
"Alexander!" Tawag ni tita na pinandidilatan ang anak. "Ang bata bata po pa pero iba na ang tabas ng dila mo! Ano yan? Pick-up line?! Tumutulad ka talaga sa kuya at daddy mo!"
"I'm not them. I'm Alexander" Kibit balikat lang nito at kinindatan ako.
This kid is really something.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.