You brought me sunshine
When I only saw rain
You brought me laughter
When I only felt pain
~Donna Donathan~
🍎
TAHIMIK lang ako habang naka-upo muli dito sa lamesa na kinaroroonan namin. Bumalik kami dito matapos akong mag-sorry kay Yro na hanggang ngayon ay seryoso pa din habang umiinom ng alak sa tabi ko.
Naiintindihan ko naman na ang kapakanan ko ang tangi niyang inaalala kaya alam kong may mali din ako. Galit talaga siya. Nagalit siya kanina sa akin. At alam kong ang tangi kong magagawa kapag ganitong galit siya ay manahimik na lang. Kapag kasi seryoso siya, seryoso talaga siya. Wala na sa kanya yung pagkapilyo na nakasanayan ko.
Hirap pa naman niyang amuhin kapag ganitong galit siya.
Huminga ako ng malalim at sinundot siya sa tiyan. "Uy sorry na" Hindi niya ako pinansin at muling tumungga sa bote na hawak niya. Ngumuso ako. Umiinom na naman. Pasalamat siya na galit siya ngayon kaya hindi ko siya magawang mabatukan.
Tumingin ako sa gawi nila Caileen na lumipat sa kabilang table na nasa tabi ng lamesa namin. They were grinning devilishly. 'Lambingin mo' They mouthed and giggled knowingly. Alam kasi nilang galit si Yro. Inirapan ko na lang sila at muling bumaling kay Yro na hanggang ngayon ay nasa dance floor ang tingin. Heto na nga eh ginagawa ko na pero nagsusungit!
"Qazvin, peace na tayo. Sorry na. Di ako nagpaalam kasi nasisiguro kong busy ka kanina pagkatapos ng pagkikita niyo ni Lexie dahil may pinag-usapan kayo ni Tito Kiel. Tumawag siya sa akin kaya nalaman ko. I know I lied so I'm sorry..." Tumingin lang siya sa akin saka muling itinuon ang tingin sa boteng hawak niya at nilaro-laro iyon sa kamay niya.
Hirap suyuin netong Qazvin na 'to!
"Sorry na nga eh. Hindi na ma-uulit. Bati na tayo" Sabay sundot ulit sa tagiliran.
This time he faced me and looked at me with those drop dead serious eyes. "Wag mo nang ulitin ulit 'to. Ayokong may mangyari sa'yong masama. Lalo pa at ganyan kaiksi ang damit mo..."
"Hindi na po..." Ngumiti ako at naglalambing na yumakap sa baywang niya. "So..bati na tayo?" May pangambang tanong ko sabay pakita ng mga ngipin ko. Malay niyo bumigay dahil sa pagkinang ng mga ngipin ko! Diba?
Napa tss lang siya at nag-iwas ng tingin.
Natawa naman ako sa inakto niya sabay pisil ng nipples niya kahit may damit pa siya. "Briane!"
Tumawa ako at kinindatan siya. "Hirap mong suyuin! Wag kang nagagalit. Nakakatakot ka kaya kapag galit ka"
"Talaga? Kung ganon, di mas nakakatakot pa yung isang kasama ko pag galit"
Nangunot ang noo ko. Kasama? "Sino naman?"
He smirked. Oh boy. Parang may kakaiba—
"Si pare.." Ano? Lalo ko siyang pinaningkitan ng tingin. "Sinong pare?" He stared at me, amusement evident in his eyes. Bakit ba?
Nalukot na lang bigla ang mukha ko nung tumawa siya. Kaya ayun tinampal ko na ang tiyan niya. Oy! Hindi chansing yun ah! "Magtigil ka nga! Bakit bigla kang tawa diyan e wala namang nakakatawa! Siraulo ka ba?! Sinong pare?" Istrikto kong tanong at humalukipkip pa na animo'y parang ina na nagtatanong.
Sumilay na naman yung signitura niyang ngisi sabay turo sa parang may umbok sa pagitan ng hita niya. "Si pare..."
Nanlalaki ang mga mata ko at walang sabi-sabi siyang sinabunutan. "Gago!" Mura ko sa kanya at narinig ang pagdaing niya.
"Tangina naman Briane eh! Namimihasa ka na sa pananakit sa akin. Kung hindi sabunot, batok!" Reklamo niya kaya nameywang ako sa harap niya.
Piningit ko siya sa tenga. "Ikaw pa ang may lakas loob na mainis diyan! E sa puro kabastusan ang laman ng utak mo!"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.
