That's when I realized what a true friend was.
Someone who would always love you
- the imperfect you,
the confused you,
the wrong you,
-because that is what people are supposed to do
~wordporn~🍎
NAPALUNOK ako. Literal na napalunok lalo pa at mapanganib ang bawat pagtitig niya sa akin. "A-eh hehe" Pilit akong ngumiti. Paano ba naman kasi e nagsimula na siyang humakbang palapit!
Umayos ako ng upo. "Akala ko ba nagsha-shower ka na?" Naging mailap ang mga mata ko. Inikot ko sa silid ang tingin ko para lang maiwasan ang matatalim niyang tingin. Si Koya, nakakatakot. Ang sama makatingin e!
Hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Tumingin ka sakin"
Napakagat-labi ako at umayaw. Ayoko nga!
Para akong batang umakto pero ayoko talaga! His death glares are giving me the creeps.
Pero teka nga lang. Bakit ba ako kinakabahan fito sa Qazvin na ito e wala naman akong ginagawang masama. Um-oo lang naman ako sa pagyaya ni Hector. May masama ba dun? Wala naman!
Kya tinapangan ko ang sarili ko at kalmado ko siyang tinignan. "Bakit?"
He glared at me.
Ngumiwi ako. "Bakit ba ang sama mo makatingin!?"
Nakita kong umigting ang panga niya. Hala siya. "You're really asking that?"
Inirapan ko siya. "Tinanong ka nga diba! Wag mo kong sinasamaan ng tingin Yro. Wala akong ginagawang masama sa'yo" Pabulong kong sabi at itinuon ang tingin sa tv.
"I said look at me, dammit!"
Ginawa ko naman at sinamaan siya ng tingin. "Wag ka ngang utos ng utos!" Gigil kong sabi sa inis at saglit napatitig sa katawan niya nang mapansing naka-boxers pa din siya.
"What did Hector tell you?" He demanded.
Huminga ako ng malalim at umiling. "Maligo ka na muna para mabawasan ang kalasingan mo. Kapag tapos ka na, sasabihin ko sa'yo kung ano man ang napag-usapan namin" Mahinahon kong sabi. 'Di ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang malaman pero sasabihin ko na lang sa kanya. Knowing this guy, malalaman at malalaman din lang niya.
Hindi naaalis ang matalim na tingin niya pero tumango siya at tsaka mabilis pumasok sa banyo.
Ti-next ko na lang muna si Hector na tatawagan ko na lang siya bukas para pag-usapan ang tungkol sa paglabas namin.
Ngayon, kailangan ko pang mag-explain sa tiyuhin niyo na basta na lang nagagalit.
Matapos kong tawagan si Hector, itinuon ko na muna ang buong atensyon ko sa pinapanood ko. Hanggang sa biglang bumukas yung pintuan ng banyo at iniluwa roon si Yro na nakatapis lang ng twalya sa pang-ibabang bahagi niya.
Lumunok ako at mabilis umiwas ng tingin. Hala! Baka sabihin pang minamanyak ko siya. Kung bakit naman kasi ang ganda ng katawan!
Amoy na amoy ko 'yong mabangong shower gel niya kaya di ko napigilang mapalingon ulit sa kanya lalo pa at naramdaman kong tumabi siya sa akin. Naalis na yung tuwalya na nakatapis sa kanya at tanging boxers na lang ang suot niya.
"Ang bango mo naman beh!" Komento ko nang sumampa siya sa kama at binigay sa kanya ang isa sa mga malalawak kong ngiti.
Pero nauwi yon sa pagsimangot nung matalim niya akong tinignan. "Hindi yan uubra sa akin. Now talk"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.