Chapter 24

105K 2.4K 165
                                        


"One of the most frustrating positions,
you as a woman could ever find yourself in,
is in a relationship with a man
who makes you feel like you're still single"
~Mr. Amari Soul~

🍎

"OY GIRL! Bakit tulala ka na naman diyan! Napapadalas na 'yang pag-iisip mo ng malalim hah! Ni hindi ka na makausap ng masinsinan! Ni makinig hindi mo na magawa dahil masyadong malalim ang iniisip mo!" Singhal sa akin ni Thea kaya ngumuso ako.

Nagpabuga ako ng marahas na hangin. Si Iya na hinahaplos ang tiyan, bumuntong-hininga. "Si Yro na naman ba?"

I smiled. Kaninang umaga, gaya nga ng sabi niya, bumalik siya sa guest room ng sobrang aga kaya di kami naabutan nila Mama. Nakisabay na rin siya sa breakfast pero kinailangan niya ring umalis dahil mayroon pa siyang trabahong kailangang tapusin. Sabi niya sa akin, meron daw kasing pinapahanap na tao sa kanya ni Lucas Monterelba at may importanteng appointment siyang dadaluhan.

Napatanong kaagad ako pero mabilis niyang sinabi sa akin na si Lucas ang kapatid ni Gavin. I haven't met him yet.

At bago umalis si Yro, hinalikan niya pa ako sa noo at sa tungki ng ilong at sinabing susunduin niya daw ako pagkatapos ng trabaho para doon ako sa condo niya matulog mamayang gabi.

I remebered him calling me love last night. Pero, hindi ako sigurado dahil hinila ako ng antok nung mga oras na iyon. Love... ang sarap sa tenga ang salitang iyan na manggagaling sa bibig niya mismo.

"It's no big deal" Tanging sabi ko sa kanila tsaka kumain sa cake na gawa mismo ni Iya.

Hindi talaga ako open sa iba kapag si Yro ang usapan. I want to keep what I have with him, exclusive.

I moaned. "Goodness! Ang sarap!" Mahinang tawa ko na sinundan ng ngiti ni Iya. Ang talented talaga nito pagdating sa pagluluto. Wala akong masabi!

"Duh! Tanga ka ba? Si Iya iyan! Ang isa sa pinakamagaling na patissier sa lupalop ng mundo! Malamang masarap!" Irap sa akin ni Thea na para bang ang nonsense ng sinabi ko. Kung makasigaw naman!

"Ang lakas talaga ng boses mo Althea Steel! Dinig hanggang sa kabilang bundok yang malakas mong boses impakta ka!" Natatawa kong sabi saka tumayo para kumuha ng juice sa table.

Nasa bahay kasi kami ngayon nina Trace at Iya. Wala si Trace dahil nasa trabaho at tinawagan kami ni Iya kasi nabo-bored na daw siya kakaupo dito sa bahay nila. Wala raw siyang makausap dito kundi yung mga trabahador nila. Ni hindi pa siya pinapayagan ni Trace lumabas mag-isa dahil nga baka mapano siya e sa kabuwanan na niya. Kapag lalabas si Thea, dapat kasama raw niya si Trace.

Pinaningkitan ako ni Thea ng mga mata. "Asset ko itong malakas kong boses Briane Castellera"

"E yang malaki mong bibig?" Biglang pasingit ni Iya kaya sinamaan siya ng tingin ni Althea.

"Putragis mong buntis ka! Edi asset ko din ito! Sarap na sarap nga sila sa bibig na 'to e!" Sigaw nito kay Iya na kumakain ng pinya na isinasawsaw sa suka.

Lahat kami napanganga sa sinabi niya. Hanudaw?

Una si Caileen na nakabawi dahil tumawa siya ng malakas. Si Iya nailing at sumubo ulit sa kinakain niya na parang balewala lang ang sinabi ni Thea na kahalayan. Ako naman ay natawa na rin. Wala na talagang pag-asang matigil ang pagiging blunt ni Thea. Walang filter kapag nagsasalita.

Pagkatapos naming kumain, nanood kami ng movie. Subalit sa kalagitnaan ng panonood namin, biglang nagsalita si Iya. "Diba kasama mo si Gavin na umalis kagabi, Brie?"

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon