Sa mga nalasing, bless you.
Sa mga marami ang nakain kagabi at nakalimutan na ang diet, I'm proud of you.
Sa mga nagpaputok, ewan ko kung anong klaseng putukan 'yan, I hope you enjoyed
At sa mga naghihintay ng update, eto na po.
.
happy 2019!🍎
HINIHILOT KO ang sentido ko habang pinapanood si Thea na pabalik-balik ang lakad sa harap ko. "Shit Briane! SHIT LANG! Nakita mo ba kung gaano siya kagalit sa akin?! Halos mawalan ako ng hininga dahil sa takot. Tang ina!"
Kumunot ang noo ko. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo diyan?! Tsaka tumigil ka nga sa kakalakad! Nahihilo ako sa'yo e! Halika dito at maupo ka"
Padabog siyang naupo.
Pinatawag niya ako ngayon sa unit niya. Ewan ko ba dito kung anong problema niya. Nadatnan ko siyang nagsi-stress eating na para bang wala sa sarili.
Nang maupo siya, inabutan ko siya ng tubig. Inisang lagok naman niya ito at malakas na inilapag sa lamesa niya. She looked at me. "Anong problema?" Mahinahon kong tanong.
"Si Yro!" Pikon niyang ungot. Ano? Bakit si Yro?
Kinunotan ko siya ng noo. "Dammit! Alam mo ba kung anong ginawa niya?! He cancelled the operation! Binayaran niya ang kompanya para lang huwag mailabas ang mga magazine! Dala ng takot ng kompanya dahil masyadong makapangyarihan si Yro, tinanggap ng mga ito ang bayad! At alam ng lahat na kapag may magrereklamo, mawawalan sila ng trabaho. Kaya heto! Wala ng mailalabas na issue ngayon! Walang magazine! Tangina, WALA!" Usal niya tsaka naiinis na ginulo ang buhok niya.
Napanganga ako sa narinig.
"Kahapon, binantaan niya ako. Sa susunod daw na idamay kita, kabaong ang patutulugan ko! Damn! That guy is scary! Ang bangis niya, wala akong masabi!" Walang kakurap-kurap na dagdag pa niya. Nakitaan ko ng takot si Thea. Thea is never afraid of anything until now. Ngayon ko lang siya nakitaan ng takot. And she's even telling me about it!
Dahil sa gulat ko sa mga narinig, parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita.
Nanghihina akong naupo at napasapo ng noo. Hindi ko alam kung maaasar ba ako, magagalit, o maiinis dahil sa nalaman ko.
Tiningnan ko ng seryoso si Thea. "Did he hurt you?"
Umiling siya at tumingin sa akin. "Pero ngayon ko lang nakitaan si Yro na ganun kagalit. Yung parang kahit anong segundo, makakapatay na siya"
Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili ko tsaka tumayo. Pinaghirapan ni Thea at ng kompanya na makagawa ng issue para lang may maipalabas sa madla pero dahil lamang kay Yro, parang nabalewala ito na parang bula. Just because of my photos inside the damn magazine?
Maski nga ako, natakot kahapon kay Yro. Pero hindi pwedeng mabalewala na lamang ang mga paghihirap na dinaanan ng mga staffs ng publication dahil lamang ayaw ni Yro na lumabas ang mga litrato kong nasa magazine.
Dahil nairita ako. Kinuha ko ang phone ko sa bag at mabilis dinial ang numero niya.
"Yes, love? Bakit ka napatawag?" Malambing ang boses niya pero naiinis ako ngayon.
"Briane!" I heard Thea hiss kaya binalingan ko siya para lang makitang pinandidilatan niya ako na sinasabi bang huwag na huwag kong babanggitin kay Yro ang mga sinabi niya kundi malilintikan siya sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.