Shout out to @spy_hacker💞
It's better to have nobody than to have someone who is half there, or doesn't want to be there
~curiano~🍎
Napahawak ako sa dibdib ko nang medyo makalayo na kami sa yacht. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang pananakit ng dibdib ko at ang kabang namumuo rito. Dama ko rin and panlalamig ng mga palad ko.
I nodded at Gavin when he opened his car's door for me. Hindi na ako nag-dalawang isip at pumasok na agad. Masyado nang late pero gising na gising ang diwa ko. That's damn right possible for my current situation.
Isinandal ko ang ulo ko sa headrest at mariing napapikit. Masakit? Oo.
Why did he invited Eleina? I thought that was supposed to be me and him. Just the two of us. Pero bakit-
Mabilis akong nag-mulat ng mga mata at gulat na tinignan si Gavin. "What the hell did you just do?!" I snapped at him.
He smiled. "What? Yung halik sa noo kanina?" Prenteng sabi niya kaya napaawang ang labi ko.
I gasped. "Yes! That too! But what I'm asking is why the hell did you kiss me on the cheek?!" Oo! Naramdaman ko nung nakapikit ako. Paanong hindi ko mararamdaman e may kung anong mainit na dumampi sa pisngi ko!
Yung halik niya sa noo ko, tanggap ko pa kasi alam kong tinutulungan niya ako. Pero yung-
Sinamaan ko siya ng tingin nung masilayan ko ang mapaglarong ngiting pumorma sa labi niya. Anong nginingiti niya aber?! May nakakatuwa ba 'don?
"Ang ganda mo kasi"
Awtomatikong natigilan ako. Ano?
Tumikhim ako at mabilis bumawi sa pagkakabigla.
"Pero wala kang karapatang halikan ako sa pisngi!" Sabad ko pero ngumisi lang siya. Nataranta naman ako dahil inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Gavin!" Ano bang nangyayari sa isang 'to?!
"Gusto kita"
Tuluyan na akong napipilan at gulat na napatitig sa kanya. Dalawang beses na akong ginulat ni Gavin pero ito ang pinakanakakabigla. "A-anong-" Tumikhim ako at umiling. "Wag kang nagbibiro ng ganyan Gavin. 'Di ka nakakatuwa"
He smirked and leaned closer. "I was actually expecting you to say I like you too pero sa panaginip ko na lang ata mangyayari 'yon" he chuckled and smiled at me. "Unang tingin ko pa lang sa'yo, gusto na kita. Pero alam kong mukhang wala na akong pag-asa. The way you look at Yro, wala na akong laban 'don. But the least I can do is tell you that I really like you. At least sinabi ko"
Napaawang ang labi ko. Para akong napipilan. "Gavin..." Mahinang asik ko at pinagmasdan ang pagngiti niya.
"Paano na 'yan. Nasabi ko kay Yro na girlfriend kita" Ngumisi siya at napahawak sa dibdib niya. "Dang! Ang sarap pala sa pakiramdam" Kinindatan niya ako at ngumiti.
Napabuntong hininga ako at napailing. "Baliw ka na"
"Papaanong hindi kung isang tingin pa lang mula sa'yo, nababaliw na agad ako"
Mabuti at namataan ko agad ang isang walang lamang plastic bottle sa gilid kaya binato ko siya nito. "Corny mo"
"Pero Briane, seryoso ako sa mga sinabi ko"
Napakagat labi ako. I know. Sa tono pa lang ng boses niya, kuha ko ang sinseridad ng pagkakabitaw niya sa bawat kataga.
"Pero bakit?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomansaR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.