Chapter 22

105K 2.4K 175
                                    

.

"All I ever wanted was to
feel special and to feel chosen"
~Curiano~

🍎

Beg harder?

Bumuntong hininga ako. "Yro naman, please! Ang hirap mong paki-usapan. Meron lang kaming pupuntahan ni Gavin" Kasi baka kapag nanatili pa ako dito, masasakal lang ako sa inyo ni Eleina.

Umiling siya na parang bata at akmang aakap sa akin pero may malakas na busina kaming narinig sa likod.

And the next thing I felt was a hand snaking around my waist. My lips parted when Yro's eyes turned dark in an instant.

"You okay?" Napasinghap ako dahil naramdaman ko ang mainit na uininga ni Gavin na tumama sa tainga ko. Mahina akong um-oo. Buti pa nga nakapagsalita ako!

"Let's go?"

Bumaling ako kay Gavin at nagulat nung ilang centimetro na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Kita ko pa ang pagngisi niya pero saglit lang iyon dahil sumeryoso rin siya tulad ni Yro. "Uhm–" Tumikhim ako ngunit hindi niya ako pinansin. Instead, tumingin siya kay Yro.

"Aalis na kami. Ipinaalam ko na kay Pula na isasama ko si Briane. And don't worry, she's safer with me" Diretsong saad ni Gavin. Ano bang–

Pagtingin niya sa akin, pinandilatan ko siya pero ngumisi lang siya. Bipolar din ang gagong 'to. Nailing ako saka tumingin ulit sa gawi ni Yro para lang makitang diretsong nasa akin ang walang buhay niyang tingin.

"Just make sure she's safe" Malamig na sabi ni Yro saka bumaba sa kamay ni Gavin na nasa baywang ko ang tingin niya. Napakagat-labi naman ako at sinubukang alisin iyon pero mas lalong idiniin ni Gavin ang hawak niya, dammit!

Pansin ko ang pag-igting ng panga ni Yro habang nakatingin sa baywang ko. "Yro" Tawag ko sa kanya na mabilis niyang tinugonan ng tingin.

I smiled at him assuringly. "I'll text you when I get home" Tanging sambit ko pero nagdalawang isip ako nang maalala ko na kasama pala niya si Eleina. I'm sure pagbalik niya doon, baka hindi na niya mabibigyang pansin ang phone niya.

Saglit pa niya akong tinitigan bago tumango. Kumalas ako sa hawak ni Gavin tsaka lumapit muna ako kay Yro at humalik sa pisngi niya.

His eyes bore to mine fervently. Napalunok ako.

Hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig niya kaya ako na ang bumitaw bago muling tumabi kay Gavin na bigla ay sumama ang tingin sa akin. "Dammit Briane" I heard Gavin whisper na ako lang nakarinig. Siniko ko lang siya sa tagiliran saka na siya hinila palapit sa kotse.

Iginayak niya muna ako papasok sa passenger's seat saka siya pumasok at mabilis pinatakbo paalis ang kotse. I was looking beyond the tinted window glass. Tinitigan ko si Yro na pinapanoon lang ang papalayong sasakyan.

Hanggang sa mawala siya sa paningin ko, saka lang ako napahinga ng malalim. "You kissed him on the cheek in front of me"

I frowned before diverting my attention to Gavin. Yung mukha niya, parang hindi makapaniwala pero seryoso pa din.

"Pinagsasasabi mo?" Tanong ko at inabot ang black tumbler niya at uminom doon.

Saglit niya akong tiningnan at binigyan ng matalim na tingin tsaka ibinalik ang tingin sa daan. Hala, ba't na naman galit!

"Kanina ako yung nakahawak sa'yo. Pagtingin ko, wala ka na" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong wala?! E andito naman ako ah!"

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon