Chapter 7

128K 2.8K 164
                                        

If you want a woman to believe you are not like
'all the other men out there,'
stop simply telling her and start showing her.
Your words alone don't make it true...your actions do.
~Mr. Amarisoul~

🍎

TAHIMIK akong kumakain ngayon sa lamesa habang nire-replay sa utak ko yung nangyari kahapon. Lintik kasing mga luha! Walang permiso na binigay pero nagsibagsakan. Tangina!

Humigit ako ng malalim na hininga. E kasi naman! Nag-aalala ako para sa kanya at sa kinabukasan niya! Isa lang naman kasi siya sa mga pesteng babaero na nagkalat at sigurado akong wala siyang planong magka-anak sa mga oras ngayon.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin ngayon ah" Tumingin ako kay mama. "May problema ba anak?" Maagap niyang tanong. Hindi na ako nagulat pa dahil napansin niya. That's my mom. Even though I won't tell her a thing, she can feel it. I don't know if that's whta you call mother's instinct but it's really powerful. She can feel if something's bothering me even if I try to hide it.

Bumuntong hininga ako. "Meron pong bumabagabag sa akin pero kaya ko naman pong dalhin. It's not that heavy" Ngumiwi ako.

"Okay. I trust you but if something goes wrong, andito lang kami ng papa mo 'nak. You don't have to own your problem" Ngumiti ako sa sinabi niya. "Asus! Umi-ingles ka lang eh!" Tukso ko at sumabay sila sa tawa.

Pero yung tawa ko mabilis humupa nung may isang hayop na lumitaw at sumandal sa pinto ng kusina. Gulat akong napatitig sa kanya at nang mabawi, mabilis akong tumakbo at yumakap sa kanya. "Kuya Pagooonnngg!"

Yumakap naman siya pabalik at natawa. "Hello baby ganda"

"Anong ginagawa mo ditong hayop ka!?" Nakangiti kong tanong saka humalik sa pisngi niya.

He tsked and patted my head. "Binibisita ang kaisa-isang babaeng sobrang nipis. Bakit ba?"

Mapang-uyam akong ngumisi. "Asus! Ang sabihin mo na-miss mo ako! Pwede namang deretsahang sabihin! Hindi yung may kulubot" Panunukso ko at narinig ang pagtawa niya.

"Whatever, Princess" Iling na lang niya at inakbayan ako saka liningon sina Papa na aliw na aliw kaming pinapanood habang kumakain sila. "Hello family!" Bungad ni Kuya Sinc sabay ngisi.

Siraulo din ang isang toh'

Si Kuya Sinc ang anak ni Tita Lora na kapatid ni Daddy. So that makes him my cousin. Isa pa, siya ang pinakaka-close kong pinsan at masasabi kong parako na siyang kapatid. Eh paano ga naman, magmula bata kami, lagi na akong iniispoil niyan. Lagi niya ang pinagbibigyan. Lagi akong pinagtatanggol. At lagi niya akong pinapasaya.

So I think it's safe to say that he's the best cousin that I know in the whole wideworld.

"Sus! Itong batang ito" Ngumiti si Mama sa kanya at kumuha ng isang pinggna para sa pinsan ko. "Kelan pa kayo nakabalik, hijo?" Tanong naman ni Papa.

Umupo na rin kami ni Kuya Sinc pero bago ako umayos, ginulo pa niya ng bahagya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kitang magulo na eh! Pinalala pa. Aish

"Kahapon po. Balak ko sanang bumisita dito kahapon pero hindi po natuloy kasi kailangan ko pa pong makipag-usap sa isang kasama ni Dad"

Tumango-tango si Papa.

"Heto na ang pinggan. Sige na, sabayan mo na kaming kumain, 'nak" Singit ni Mama at naglapag ng kutsara at pinggan sa harap ni Kuya.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon