Chapter 31

96.2K 2.3K 546
                                        

🍎

KASALUKUYAN AKONG nakahiga habang nakatitig sa kisame. Kagigising ko lang kanina ngunit imbes na agad akong tumayo, etong katawan ko ay lupaypay na ayaw bumangon mula sa pagkakahiga.

Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi kino-kontact ni Yro. Tatlong gabi na rin akong iyak ng iyak na parang tanga. Naka-ilang tsek na ako sa telepono ko kung may text ba siya o tawag pero wala. Ang mga bruha kong mga kaibigan lang ang nagpaparamdam sa akin.

Nababagot kong itinabi ang phone ko at inabot ang isa ko pang unan para may mayakap nang may kumalabog sa pintuan ko. "IMPAKTA KA! Bakit hindi ka pa bumabangkn diyan?! Alam mo ba kung anong oras na at kung ano ang araw ngayon?!" Bulyaw ni Thea ng makapasok siya.

I groaned and hid my face on the pillow. "Get out" Nababagot kong reklamo.

"Briane, bangon na" Rinig ko ang boses ni Caileen bago nahigit mula sa akin ang unan na pinantatakip ko sa mukha ko.

Pagmulat ko, bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Thea. Inobserbahan niya ako bago kinalas ang pagkakahalukipkip ng mga kamay niya. "You cried" Mahinang saad niya.

I just looked at them with tired eyes. "Hindi na ako sasama sa outing. Kayo na lang pumunta tutal hindi ko pa naayos ang mga gamit na dadalhin ko" Marahang sambit ko at naupo saka isinandal ang ulo ko sa headboard.

Caileen's phone rang, she looked at us and motioned for her to answer it before going out. Naiwan kami ni Thea. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa bumuntong-hinga siya at naupo sa paanan ng kama. "Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang tingin kong dahilan ng pagkumugto ng mga mata mo ay walang iba kundi si Yro. I may not what happened but you should fix yourself. Kilala kita bilang isang matapang na babae Briane. And you're not going to lose yourself just because of a man. Sasabihin ko na sa'yo, pupunta si Yro at sinama niya si Eleina. Ang payong kaibigan ko lang ay ayusin mo ang sarili mo at ang mga gamit mo at sumama ka sa amin. Prove to yourself how bold you can be and show everybody how strong you are"

Napaiwas ako ng tingin. Huminga sya ng malalim. "Nasaktan ka Briane but that doesn't stop you from enjoying life. Pain is a big part of loving someone..."

Napangiti ako. "Parang hindi si Thea ang nagsalita. Kung hindi kita nakikita ngayon, masasabi kong ibang tao ang nakikipagusap sa akin" Bawi ko.

Umirap naman siya tsaka naglahad ng kamay. "Tumayo ka na diyan at mag-ayos" Aniya. Napatitig ako sa palad niya at humigit ng malalim na hininga tsaka iyon tinanggap. "Para ka ng zombie. Ang laki ng eyebugs mo, bruha ka" Komento niya na nagpatawa sa akin. "Maganda pa din naman" Kibit balikat ko.

"Sige, buhatin mo ang sarili mong bangka" Ngisi niya. I chuckled before heading inside the bathroom.

I stared at myself in the mirror. Tama nga si Thea, mukha akong zombie. Ang laki laki ng eyebags ko. I have dark circles under my eyes. Gulo-gulo ang buhok ko at mukhang wala ako sa sarili ko. Halata ring kulang ako sa tulog.

Sa tatlong araw na nagdaan. Napaisip ako. Mahal ko si Yro, no doubt. Pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya, hindi sumagi sa isip ko na baka kahit anong gawin ko o kahit kailan ay hindi maibabalik sa akin ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya dahil kay Eleina, ang unang babaeng minahal niya. Tanga ako dahil kamuntikan ko ng ibigay ang sarili ko kay Yro. Pero kung sakali na naibigay ko sa kanya, hindi ko kailanman pagsisisihan na isinuko ko ang sarili ko sa kanya.

He makes me feel so special yet he never gave me the label I want in our relationship. He kisses me. Owns me. Makes me feel like I'm the only girl beautiful in his eyes yet he loves another woman. And I hate him for that. Pero kahit anong gawin kong pagkasuklam sa kanya, mas nananaig pa din ang pagmamahal na meron ako para sa kanya.

I chucked bitterly. "Baliw na nga talaga ako" Sabi ko at inisip ang mga sinabi ni Thea.

Prove to yourself how bold you can be and how strong you are.

She's right. She's damn right.

Mas pinili ni Yro si Eleina nung huli kaming nagkasama. At ang sakit non, sobra.

Huminga ako ng malalim. "It's not your loss, Briane. It's his loss" Sabi ko na lang sa sarili ko bago inumpisahang mag-ayos.

.

.

.

Isang malawak na ngiti ang kumawala sa labi ko habang nakatingin sa napakagandang view. Dama ko rin ang malamig na sariwang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. "Nasa langit na ata ako" Natatawang sabi ko noong tumabi sa akin si Thea.

" 'Yan din ang sinabi ko pagkatapos kong maabot ang rurok ng kaligayahan"

Nanlalaki ang mga mata ko. "Ang bastos mo!"

Mahina siyang tumawa tsaka napatitig din sa tinitignan kong dagat. Halos palubog na ang araw ng makarating kami dito. "Totoo naman!" Bawi niya kaya inirapan ko lang siya.

"Thank you" Sambit ko. Alam kong alam niya kung ano man ang tinutukoy ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Bukas, mag-swimming tayo. Isuot mo 'yung napili kong two piece mo" Sabi niya at naningkit ang mga mata ko sa pagpoporma ng isang kakaibang ngiti sa labi niya. "Bibingwit tayo ng gwapong nilalang"

Napahalakhak ako sa narinig at nailing na lamang.

"Hoy kayong dalawa, tara na! Tinatawag na tayo!" Sigaw ni Caileen na hawak pa din ang phone niya. Katawag ata ang asawa niya.

Tumango kami at sumunod na.

Sinama kami ng isang staff sa main hotel. "Sa room 345 po sina Miss Steel at Miss Castellera. Kasama naman po ni Mrs Wolkzvok ang asawa niya sa room 348" Ani ng receptionist bago binigay sa amin ang kaniya-kaniya naming card.

Ngumisi si Thea. "Good thing hindi ko kasama ang debil na Kentos na 'yon sa isang kuwarto" Hindi nakalutas sa pandinig ko ang bulong niyang iyon. I grinned mischievously.

"You want to? I can tell the rece–" Bumaling siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Tumawa ako at ngimisi.

"I'll see you later nga!" We heard Caileen chuckle on the phone call. Umirap si Thea.

"Umalis ka na nga at puntahan mo ang asawa mo! Naririndig ako sa malambing mong boses Caileen!" Gigil na smabit ni Thea habang hinihintay naming bumukas ang pangatlong elevator na nasa tapat namin. Ngumiti naman si Caileen at humalik sa pisngi namin. "Thanks!" Sigaw niya bago tumakbo paalis kaya kami na lang ni Thea ang naiwan.

"Kaya ayokong mag-asawa!" Bulong ni Thea na nagpatawa sa akin. Pero mabilis napawi ang ngiti ko ng bumukas ang elevator at bumungad sa paningin ko si Eleina na nakasandal sa dingding habang hinahalikan siya ni Yro...sa labi.

Naramdaman kong hinila ako ni Thea paalis doon. "Let's go" Saad niya habang naglalakad kami. "Don't you dare cry, Castellera" Banta niya ng makalabas kami ng hotel. Sunod-sunod akong umiling bago hinayaan ang mga luha kong tumulo. "Thea, ang sakit..." Iyak ko bago humikbi nang yakapin niya ako.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon